
Kasalukuyang ginaganap ngayon ang
State of the ARTA Address (SOAA) and Recognition Night 2022 ng Anti Red Tape Authority at umikot ang programa nila sa temang “ARTA FOURward: Mahusay na Gobyerno para sa Nagkakaisang Pilipino”
Kasama sa mga panauhing tagapagsalita sina Usec. Ernesto V. Perez ang Officer-In-Charge and Deputy Director General for Operations ng ARTA
Kasama rin si Usec. Carlos F. Quita
Deputy Director General for Administration, Finance, and Special Programs ng ARTA at si Sen. Juan Miguel F. Zubiri ang kasalukuyang Senate Majority Floor Leader sa pamamagitan ng kanyang representante na si ms. Nicole Castillo.
ilan sa mga nakibahagi ay sina Sec. Ramon M. Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI), Dir. Grace Fernandez
Compliance Monitoring and Evaluation Office(CMEO) ng ARTA, Dir. Rabindranath P. Quilala ang Finance and Administration Office (FAO) ng ARTA
Dinaluhan rin ng mga Government and Development Partners, foreign dignitaries at mga stakeholders buhat sa pribadong sektor. Ang aktibidad ay ginanap sa novotel Cubao.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net
New Zealand At Australian Ambassadors bisita sa ARTA 4th Anniversary
GINANAP nitong 29 ng Hunyo 2022 sa Novotel Quezon City ang State of the ARTA Address o SOAA and Recognition Night na may Temang ARTA FOURward, Mahusay na Gobyerno para sa Nagkakaisang Pilipino”.
Bago magsimula ang programa ay nagkaroon din ng Intelligence and Security Coordination Meeting bago ang SOAA Regstration kasunod ng pagdarasal at ng pag awit ng Lupang Hinirang.
Nagbigay ng kanyang pagbubukas na pananalita si USec. Carlos Quita ang Deputy Director General for Administration, Finance and Special Programs kasunod ay ang maikling pagsasalaysay ng kasaysayan ng ARTA sa pamamagitan ni Dir. Grace Fernandez ang Compliance Monitoring and Evaluation Office.
Ang State of the ARTA Address ay inilahad ni ARTA OIC USec. Ernesto Perez na siya ring OIC nung nagsimula ang ARTA at ngayong magbabago ng papasok na Director General. Nabatid rin na ang ARTA ay mula sa DTI bago napasailalim sa Office of the President.
Nagbigay ng kanilang mga natatanging mensahe sina Dating Sec. Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry ang Chairperson ng Ease of Doing Business and Anti Red Tape Advisory Council sa pamamagitan ng kanyang representante, ang Keynote Speech ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang Mayority Floor Leader at awtor ng Ease of Doing Business law.
Pagkatapos ay ang pagkilala ng ARTA sa kanilang mga partners at mga testimonials nito kabilang ang Semiconductors and Electronics Industries of the Philippines na isa sa kanilang Development Partner.
Ang University of the Philippines Public Administration Research and Extension Services Foundation Inc.,-Regulatory Support Program for National Development, isa rin sa Development Partner ng ARTA.
Ilan rin sa nagbigay ng testimonials ay ang kanilang mga Private Stakeholders gaya ng Philippine Coalition on Cusomer welfare inc., at Aboitiz group at ang mga Foreign Dignitaries na sina New Zealand Ambassador H. e Peter Kell at ang represenante ni Australian Ambassador H. E. Steven J. Robinson na si Simon Reid, First Secretary ng Australian Embassy to the Philippines.
Ilan sa binigyan ng parangal bilang mga key partners ng ARTA ay ang Philippine Coast Guard sa katauhan ni Commodore Armando A. Balilo, CG COMMD, Commander, Coast Guard Internal Audit at PCOL. Froilan Balaguer Navarroza na nagrepresenta ng Philippine National Police bilang isa sa mga key partners ng ARTA.
Nasa imbitasyon rin nila ang British ambassador to the Philippines H. E Laure Beaufils at pagkatapos ng pagpapalitrato ng lahat ay ang pangwakas na pananalita mula kay Dir. Rabindranath Quilala ng Finance and Administration Office habang nagsilbing mga guro ng palatuntunan sina Ria Fernandez Obina at Neren Bartolay///Michael Balaguer , 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net
ARTA’s SOAA & RECOGNITION