
MAARING naging malapit sa puso ng dating Mayor Alfredo Lim ang Kamuslimang Manileyo dahil sa balak ipatayo ng kanyang anak na tatakbong Mayor ng Maynila ang isang Madrasa (paaralan ng Islam) sa Maynila sakaling palarin itong manalo bilang Mayor sa darating na halalan.
“THE Legacy of Leadership Transcends Gender” ang mga katagang ito ang nararapat na deskripsyon sa anak ng dating alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim dahilan sa balak niyang sundan ang yapak ng kanyang ama patungong Manila City hall.
Si Christina “Christy” Lim-Raymundo ay hindi nab ago sa pulitika at serbisyo publiko sapagkat siya ang ulo ng kanyang na NGO na Lingap ng Inang Manilenyo (LIM). Bilang anak ng itinuturing na “Dirty Harry of the Philippines” kagaya ng kanyang ama ay magiging kalaban rin siya ng mga criminal at iligalista sa Maynila dahil sa kanyang paniwala na para umunlad ang isang lungsod ay dapat payapa at matiwasay ito sa makatuwid ay ligtas laban sa anumang mga masasamang element at kriminalidad.
Siya ay tumatakbo sa ilalim ng Partido ng Demokratikong Reporma (REPORMA) nina Senators Panfilo Lacson at Tito Sotto na naglalayong maging unang babaeng Mayor ng Maynila at sundan nga ng yapak ng kanyang ama ayon pa sa kanya ay ito umano ang panawagan at hinaing ng kanilang mga tagasuporta.
Tututukan niya ang tungkol sa kalusugan, edukasyon, at kapayapaan at seguridad na itinuturing na mga pangunahing pangangailangan ng mga taga Maynila katulong ang kanyang organisasyon na bibigyang lakas at kapangyarihan ang mga ina ng lungsod.///abdul malik bin ismail, +639333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net
Legacy of Leadership Transcends Gender
-XXX-
LOPEZ NG MAYNILA TODO NA KAY BONGBONG
MULING nadagdagan ang listahan ng malalaking personalidad na hayagang sumusuporta sa kandidatura ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at sa pagkakataong ito ay anak naman ni dating Manila Mayor Mel Lopez, Jr., ang nangakong pangungunahan ang lungsod upang magtagumpay ang kandidatura ni BBM.
Nitong nakalipas na Miyerkules ay personal na nanumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si Atty. Alex Lopez.
Si Atty. Lopez ang opisyal na kandidato ng PFP sa pagka-alkalde sa lungsod ng Maynila. Ka-tandem niya ang aktor na si Raymond Bagatsing na mula sa naman sa Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Pormal niyang ihahain ang kanyang Certificate of Candidacy ngayong Biyernes bilang kapalit ni mayoralty candidate Calvin Punzalan.
Ayon pa kay Atty. Lopez, magtatagumpay ang kandidatura nila ni Marcos dahil itotodo niya ang pagtulong upang makuha ang mayorya ng mahigit isang milyong botante sa lungsod.
“Dahil nakikita ko ang Pilipinas ay panahon na para ibalik natin ang sigla at vision ng pag-asenso. Ang pag-ahon ng Pilipinas ay na kay Bongbong,” ani Lopez na isa ring educator at matagumpay na negosyante ngayon.
Unang tumulong si Lopez kay Marcos noong kumandidato ang huli bilang bise presidente noong nagdaang 2016 national elections.
Matatandaan na ang ama ni Atty. Lopez na si dating Manila Mayor Mel Lopez ay isa sa pangunahing kritiko ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ngunit tinapos nito ang namagitang di pagkakaunawaan sa kanilang mga magulang dahil ang panibagong henerasyon ng mga Marcos at Lopez ay binigkis ng layunin na ibangon sa pagkakalugmok ang bansa.
Angkop din ang pagsasanib puwersa nina Marcos at Lopez hinggil naman sa panawagan ni BBM na ‘unifying’ (pagkakaisa) at ‘humility’ (kababaang loob) para na rin sa ikauunlad ng Pilipinas.
Ang asawa ni Lopez na si Sara Laurel, treasurer ng Lyceum of the Philippines, ay anak naman ni dating Vice-President Salvador ‘Doy’ Laurel na kabilang sa oposisyon noong dekada 70 at 80.
“This is to bury the ghost of the past for progress and reconciliation,” ani Lopez.
“Nakikita ko ang pagbabago kay BBM. He has the vision. He has the training. He has the dedication and BBM has a very good heart and he has seen what could be done in the Philippines,” ani Lopez na naging political strategist ng yumaong dating Manila Mayor.
Naniniwala rin siya na ang anumang kamalian sa nakaraan ay maitatama ngayon dahil na rin sa mabuting puso at pagmamahal sa bayan ni BBM.
“He’s seeing the mistakes of the past and with all of these, I think it can bring a bright future to the country,” sabi pa ni Lopez.
-30-
Cebu City, urban hubs sentro sa kaunlaran ng bansa – BBM
NANINIWALA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang lungsod ng Cebu at iba pang sumusulong na ‘urban hubs’ sa bansa ay may malaking gagampanang papel sa pagbangon ng ekonomiya sa hinaharap na post-COVID-19 pandemic.
“I think we can always count on Cebu na maging hub ng economic development,” pahayag ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Cebu City nitong weekend.
Ayon sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer, prayoridad sa kanyang adhikain na kaunlaran ang lalawigan bilang sentro ng kalakalan at industriyalisasyon sa Visayas region. Aniya, malaki ang potensiyal ng lalawigan at nagbalik-tanaw siya na ang itinatag na Mactan Export Processing Zone ng kanyang namayapang ama na si Ferdinand Marcos, Sr. ang patunay sa kahalagahan ng Cebu City sa kaunlaran ng bansa.
“If you remember, one of the main drivers of the progress of the economy in Cebu is the development of the port and I think we can continue that. Cebu is still the economic center of the Visayas and in some areas, it’s actually the economic center of the Philippines, so we must continue the development,” pahayag ni Bongbong.
“The big urban hubs will be the center of development in the future so Cebu being so prominent will certainly be a major part of that. It’s important that Cebu is part of the plan because it has always had an entrepreneurial tradition. Cebu has a strong entrepreneurial spirit that we can take advantage of in making better deals with public-private sectors sharing,” ayon kay Marcos.
“Malaki ang magiging papel ng Cebu City sa pagbangon ng ating ekonomiya na pinasadsad ng COVID-19 pandemic. Kaya ngayon pa lang, dapat na nating planuhin at isulong ang mga programa para solusyunan ang mga isyu sa trapiko, mataas na singil sa kuryente, imprastraktura at ang mismong pandemic,” aniya.
Nagsusulong ng mapagkaisang liderato, sinabi ni Marcos na maisasakatuparan ang mga pagbabago at kaunlaran kung magkakaisa at magtutulungan ang lahat sa liderato ng lokal na pamahalaan bilang pagpapatibay sa antas ng Cebu City at maibalik ang katayuan nito hindi lamang bilang ikalawang progresibong lungsod kasunod ng Maynila bagkus bilang dating Kapitolyo ng bansa.
“We will have to work with LGUs to see what it is they plan to do when the time comes. Hopefully that we will be able to make some changes,”pahayag ni Marcos.
Ipinangako ni Marcos sa Cebuanos na gagawin ang lahat ng makakaya para sa ikabubuti ng lalawigan.
“I will serve the country at may kasabihan na ‘pag tumaas ang tubig, lahat ng barko tumataas din. Pataasin natin ang Pilipinas, at isa sa unang lungsod sa Pilipinas na aangat ay ang Cebu,” sambit ni Marcos.
-30-