
THE MOST SCIENTIFIC PLATFORM FROM A VICE PRESIDENTIAL BET
ISANG maka agham na plataporma ang ihahatag ng tumatakbong Bise President mula sa Philippine Green Republican Party ngayong Halalan 2022 at sa lahat ng mga tumatakbo sa kaparehong posisyon ,siya lamang ang may ganitong programa.
Bilang kapwa mamamahayag amin siyang kinapanayam dahil sa kanyang pangunguna sa Philippine Green Republican Party bilang kanilang Pangulo at tumatakbo naman siyang Bise Presidente sa ilalim rin ng nasabing lapian.
Si Alexander Lague, ay isang media practitioner, broadcaster at opisyal ng Department of the Interior and Local Government Press Corps na nagnanais ng tunay na pagbabago sa lipunan kaya siya nagpasya na pasukin ang masalimuot at magulong mundo ng pulitika.
Sa naging panayam kay Ginoong Lague sa www.diaryongtagalog.net binanggit niya ang mga platapormang may kinalaman sa pagbabago mula sa mabaho hanggang sa mabango at paglipat mula sa mga duming inilalabas ng tao patungong organikong pataba at pagmumulan ng kuryente.
Wika niya papasok umano siya sa pulitika hindi para maging sikat o magpasikat kundi nais niyang maging bahagi ng paglalagay ng tuldok sa kahirapan at kagutuman dito sa bansa. Dahilan nga sa nasa panahon pa tayo ng pandemya, ang pangunahing kailangan ng tao ay pagkakakitaan upang punan ang kumakalam na sikmura ng tao.
Kabilang sa kanyang maraming programa ay ang pagtatayo ng mga kubeta sa buong bansa sapagkat ayon sa datos ng Kagawaran ng Kalusugan halos 70% ng tahanang Filipino ay walang palikuran kaya ito ay isang malaking suliranin ng bayan.
Dagdag pa niya maaring maging kapakipakinabang na negosyo ang kubeta dahil ang ihi ng lalaki ay maaring gawing pabango habang ang ihi ng babae ay gawing likidong pataba at ang mga dumi kapwa ng lalaki at babae ay maari namang gawing organikong pataba.
Sa ganitong paraan ay aasenso ang sambahayang Filipino at dahil may umiiral ng teknolohiya, sakaling maupo siya bilang VP ay kukuha siya ng mga grant para pondohan ang naturang mga programa at hindi siya kukuha ng salapi mula sa gobyerno, kaugnay nito para sa mga karumal-dumal na krimen ay pabor din siyang ibalik muli ang bitay. ///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net