
Noong ika-27 ng Pebrero, ang 2nd Voice of Press (V.O.P.) Asia Media Forum ay ginanap online na pinamagatang, “Post COVID-19: News Industry Transformation”. Tinalakay ng 20 na mamamahayag mula sa Indonesia, Nepal, Hong Kong, at Pilipinas ang mga hamong kinakaharap ng industriya ng pagbabalita, gayundin ang mga oportunidad at mga kaparaanan para makasabay sa pagbabago ng midya sa panahon ng post COVID-19.
Sa unang sesyon ng forum ay mga talumpati tungkol sa mga kasalukuyang hamon at oportunidad na kinakaharap ng industriya sa kani-kanilang bansa.

Tinalakay ni Terry Yeung, isang media consultant sa Hong Kong, kung paano binabalewala ng mga mamamayan ang media production mismo, sa halip ay mas pinagtutuunan ng pansin ang pampulitikang panig ng mga institusyon ng midya. Ipinaliwanag niya kung paano pinalala ng pandemya ang politikal na dibisyon sa Hong Kong, na mas nagpagpahirap sa komunikasyon sa pagitan ng midya at ng mamamayan.

Ibinahagi naman ni Hendry Nursal, Chief Editor ng Jambi Daily mula sa Indonesia, ang kanyang simpatya para sa mga maliliit na media outlet na kinailangang itigil ang kanilang negosyo o serbisyo dahil hindi na nila masuportahan ang mga gastusin sa pagpapatakbo ng operasyon. Samantala, ang malalaking kompanya ng midya ay kinailangang magbawas ng mga empleyado upang maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Samantala, si Theofel Santos ng Radyo Veritas mula sa Pilipinas ay nakahanap naman ng oportunidad sa online media kung saan mas mabilis na nailalabas ang balita kaysa sa radyo o pahayagan. Sa pamamagitan ng mga social media platform tulad ng Facebook at YouTube, nakakapag-ulat sila habang kumikita sa pamamagitan ng mga palatastas.
Nagpapasalamat si Piya Ratna Maharjan, Pangulo ng Track Nepal, sa social media at teknolohiya na nagbibigay-daan “upang kumonekta sa buong mundo” na nakakatulong sa mga mamamahayag sa panahon ng post COVID-19.

Sa ikalawang sesyon, nagkaroon ng bukas na talakayan sa mga breakout room ng bawat bansa kung saan iminungkahi ng mga mamamahayag ang magagandang kaparaanan upang harapin ang mga naturang hamon.
Itinampok ni Michael Balaguer mula sa Diaryong Tagalog (Pilipinas) ang pagkilala sa kahusayan ng siyentipikong komunidad sa panahon ng pandemya. Ang mga siyentipikong mamamahayag tulad niya at ni MJ Balaguer ng DZMJ Online ay may napakahalagang papel sa paghahatid ng katotohanan at makabuluhang impormasyon sa mga mamamayan bilang isang uri ng pampublikong serbisyo.

Nagkasundo naman ang mga mamamahayag sa Indonesia na kailangang sumabay sa pagbabago ng midya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyan. Ipinaalala ni Ridwan Mubarak ng Journal News ang mga responsibilidad ng midya tulad ng pagtupad sa Code of Ethics ng mga Mamamahayag, pagpapabatid sa mga tao ng katotohanan, at paggamit ng midya upang maimpluwensyahan ang publiko sa positibong paraan.
Kalusugan at kaligtasan naman ang prayoridad ng mga mamamahayag mula sa Nepal, kaya’t hinikayat nila ang paggamit ng mga online tools tulad ng Zoom upang mabawasan ang mga harapang pagtitipon. Para sa mga nagbalik

Nagkasundo naman ang mga mamamahayag sa Indonesia na kailangang sumabay sa pagbabago ng midya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa kasalukuyan. Ipinaalala ni Ridwan Mubarak ng Journal News ang mga responsibilidad ng midya tulad ng pagtupad sa Code of Ethics ng mga Mamamahayag, pagpapabatid sa mga tao ng katotohanan, at paggamit ng midya upang maimpluwensyahan ang publiko sa positibong paraan.
Kalusugan at kaligtasan naman ang prayoridad ng mga mamamahayag mula sa Nepal, kaya’t hinikayat nila ang paggamit ng mga online tools tulad ng Zoom upang mabawasan ang mga harapang pagtitipon. Para sa mga nagbalik-opisina, binago ang imprastraktura ng mga opisina para sa social distancing.

Matapos ibahagi ang buod ng talakayan ng bawat bansa, inanunsiyo ni Levi Leung, HWPL Coordinator sa Hong Kong Branch, ang plano ng HWPL Public Relations Department sa 2021. Ang organisasyon ay patuloy na susuporta sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang serye ng mga webinar tungkol sa sitwasyon ng industriya ng pagbabalita sa panahon ng post COVID-19, at paggalugad sa mga posibleng solusyon sa pamamagitan ng mga akademikong journal, media outlet, at social media. Isusulong din ng HWPL ang mga joint statements tungkol sa mahuhusay na kaparaanan mula sa mga mamamahayag sa Asya upang pataasin ang pampublikong kamalayan.
Ang Voice of Press (VOP) ay isang lugar ng komunikasyon kung saan ang mga mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay kusang lumalahok at nagbabahagi para sa kalayaan ng midya at mapayapang pamamahayag sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang pandaigdigang media network. Ang platform na ito ay inorganisa ng International Public Relations Department ng Southern Seoul at Gyeoggi Branch, Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang internasyonal na organisasyong pangkapayapaan na may consultative status sa UN ECOSOC at kaugnay ng UN DGC.