Mga Relihiyon, Nagkaisa Upang Manalangin

Para sa Kapayapaan at Upang Damayan ang Bawat Isa sa Pandemya

Samantalang ang mga pambansang hakbang na naglilimita sa mga gawaing panlipunan ay nagbubunga ng mga pagbabago sa pang-araw-araw na gawain dahil sa pandemya, ang mga pagsisikap na maunawaan sa espiritwal na paraan ang pagharap sa mga karamdaman at mga pagbabago sa lipunan ay isinasagawa ng mga relihiyon.

Noong ika-14 ng Disyembre, 560 na kinatawan mula sa 31 relihiyon sa 80 bansa kabilang ang Budismo, Kristiyanismo, Hinduismo, Islam, Jainismo, Hudaismo at Sikhismo ay dumalo sa isang online na pagtitipon na pinamagatang, “HWPL End-of-year Religious Leaders ‘Gathering: United Hopes & Prayers for a Brighter 2021” upang magpahayag ng simpatya at pagtibayin ang inter-religious na ugnayan para sa patuloy na dayalogo para sa kapayapaan.

11 pinuno ng relihiyon na kumakatawan sa iba`t ibang mga relihiyon ang nanalangin para sa karunungan at solusyon para sa mga aspeto ng buhay na apektado ng kasalukuyang krisis sa COVID-19. Sa pamamagitan ng mga video messages mula sa mga pinuno ng relihiyon ay naipakita ang kanilang suporta para sa papel ng relihiyon sa pagtutol sa mga kilusang kontra-kapayapaan tulad ng diskriminasyon, poot at karahasan na maaaring magpalala sa panahon ng pandemya.

Sa panalangin ni Rev. Acharya Prem Shankaranand Tirth, Hindu High Priest ng Shree Geeta Ashram ng Delhi, “Para sa aming mga kasamahan, mga kapamilya sa kapayapaan, ipagpatuloy natin ang pagkamit ng kapayapaan sa buong mundo. Sa panahon ng pandemyang ito, dapat nating mapagtanto ang halaga ng bawat isa dahil tayong lahat ay nabubuhay kasama ang kalikasan at iba pang mga nilikha. Tayong mga tao ay dapat kumilos bilang iisa at mabuhay sa kapayapaan, pagkakaisa at pagmamahal.”

“Naaalala kong nakaupo ako sa aking desk nang malaman ko ang tungkol sa unang kaso ng impeksyon sa aking bansa. Nagdasal ako, at marami akong katanungan. Marami sa aking mga kasama ang bumalik sa banal na kasulatan sa mga panahong ito upang humingi ng mga sagot tungkol sa Maykapal, sa Kanyang plano, sa Kanyang kalooban at kung ano ang nais Niyang pagtuunan natin ng pansin,” pahayag ni Bb. Nandi Bester, tagapamahala ng International Peace Youth Group sa South Africa.

“Sa ngayon, maaaring malutas natin ang problema ng COVID-19, ngunit maaaring may dumating pang sakit. Kapag dumating na ang taglamig, hindi natin ito mapipigilan ngunit maaari nating kumutan at protektahan ang ating sarili. Ganito rin ang maaari nating gawin kung may isang hamon sa kalusugan at may kahirapan na dumating sa buhay. Dapat tayong maging mapagpasensya at maging matiisin upang makayanan ang mga hirap at pagdurusa na dumarating sa atin,” wika ni Rev. Hare Krsna Das, Pari ng ISKCON, Rishikesh, India.

“Tungkol sa tanong tungkol sa kung paano dapat maunawaan ng mga tao kung bakit nangyayari ang mga pagdurusa tulad ng COVID-19, nalaman namin na lahat ng mga relihiyon ay naghahanap ng kasagutan. Ang mga nakikilahok sa kaganapang ito, bagama’t may pagkakaiba sa oras, ay nagdarasal para sa kaligtasan ng lahat anuman ang kanilang mga pananampalataya. Ito ang malinaw na pagkakaiba sa panahon bago ang pandemya kung kailan punong-puno ng hidwaan at di pagkakaintindihan sa pagitan ng mga magkakaibang pangkat. Kaugnay nito, napatunayan nito ang posibilidad na sa panahon ng krisis, ang sangkatauhan ay maaaring magkaisa sa kapayapaan na anuman ang relihiyon,” ayon sa isang opisyal ng HWPL.

Ang nagsagawa ng programang ito ay ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang NGO na kaanib sa UN ECOSOC at nanguna sa pambansang donasyon ng plasma mula sa higit 3,700 katao sa South Korea na gumaling mula sa COVID-19 para sa pagbuo ng isang gamot.

Inter-Continental Conference para sa Kultura ng Kapayapaan at Edukasyon, Gaganapin Online

Ang isang online inter-continental conference para sa kapayapaan ay gaganapin sa Enero 24, 2021kung saan dadalo ang humigit kumulang 2,000 mga kalahok mula sa 17 mga bansa, kabilang ang Pilipinas, India, Australia, at South Korea.

Ang host ng programang ito ay ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang international NGO mula sa Korea na nagtataguyod ng kapayapaan, kaakibat ng UN DGC at ng UN ECOSOC.

Gaganapin ito bilang paggunita sa ika-7 Anibersaryo ng January 24 HWPL Peace Day na itinalaga ng Lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas upang ipagdiwang ang kasunduang pangkapayapaan sa Mindanao noong ika-24 ng Enero 24, 2014.

Ang kasunduan ay pinangunahan ni Chairman Man Hee Lee ng HWPL at nilagdaan nina Hon. Esmael “Toto” Mangudadatu at Archbishop Emeritus Fernando Capalla upang makipagtulungan sa pagkamit ng kapayapaan at upang wakasan ang ilang dekadang hidwaan sa Mindanao.

Simula noon, ang taunang paggunita tulad ng grand peace festival, international peace walk, mga eksibisyon ng kapayapaan sa mga lokal na museo, at mga interfaith na pagtitipon ay ginaganap upang ipagdiwang ang kasunduang pangkapayapaan at palawakin ang kapayapaan sa mga mamamayan sa rehiyon.

Tinatalakay sa pagdiriwang na ito ang kasaysayan, mga kasalukuyang isyu, at mga plano para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao bilang isang hanay ng mga modelong pangkapayapaan batay sa kooperasyon ng mga eksperto sa iba`t ibang larangan sa pamamagitan ng mga programang nagpapalawig ng kamalayan para sa kapayapaan.

Sa temang “Ang Papel ng Edukasyong Pangkapayapaan sa Pagbuo ng isang Mapayapang Daigdig”, ang pagdiriwang sa taong ito, alinsunod sa International Day of Education, ay naglalayong magtatag ng isang pandaigdigang platform para sa mga guro upang ipatupad ang peace education sa sistemang pang-edukasyon ng bawat bansa.

Bagaman ang pagdiriwang ay gaganapin online ngayong taon dahil sa COVID-19, inaasahang dumalo ang higit sa 2,000 mga kalahok, kabilang ang mga pulitiko, mga pinuno ng relihiyon, mga social figure, at mga kaguruan.

Bahagi ng programa ang pagtatapos ng mga mag-aaral ng peace education, ang pangangako para sa kapayapaan (peace pledge ceremony), at mga talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyong pangkapayapaan.

Ayon sa isang opisyal ng HWPL, “Sa pamamagitan ng ika-7 Anibersaryo ng January 24 HWPL Peace Day, hangarin naming palawigin ang kamalayan sa kahalagahan ng edukasyong pangkapayapaan at kultura ng kapayapaan. Ito ay isang pagkakataon upang pasiglahing muli ang mga tao sa buong mundo na kasalukuyang nakakaranas ng iba’t ibang karahasan at mga hidwaan, lalo na simula nitong COVID 19, dala-dala ang pag-asa at diwa ng kapayapaan.”

Ang sinumang interesado ay maaaring sumali sa pamamagitan ng pag-sign up sa https://tinyurl.com/HWPLPeaceDayZoomReg hanggang sa ika-23 ng Enero. Magkakaroon din ng live stream sa Facebook page https://www.facebook.com/hwplph/ mula 3:00 PM (Manila Time) sa araw ng pagdiriwang.

Peace Education para sa Mapayapang Laguna:

Orientation Program at Workshop para sa mga Guro ng DepEd sa Pila District

PILA, LAGUNA—Noong ika-8 ng Enero, 2021, 431 guro mula sa 16 na paaralan mula sa Department of Education (DepEd) Division of Laguna-Pila District ang sumali sa virtual Peace Education Orientation Program at Workshop.

Ang programa ay isinagawa ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang internasyonal na organisasyon na nakabase sa South Korea. Sinulat ng HWPL ang 12 Aralin ng Peace Education na angkop sa sistema ng edukasyon ng maraming bansa, kabilang na ang Pilipinas.

Sa temang, Raising Peace Educators for Peaceful Laguna,” ang programang ito ay naglalayong sanayin ang mga guro sa pamamagitan ng 12 Aralin ng Peace Education at pagyamanin ang nilalaman ng Peace Education modules para sa bawat antas ng edukasyon upang maiangkop sa mga katangian ng mga institusyong pang-edukasyon.

“Noon, tinitingnan natin ang ating paaralan bilang isang lugar ng kapayapaan, ngunit ang tanong ay kung paano. Paano naging lugar ng kapayapaan ang ating paaralan?” sabi ni Dr. Marites A. Ibañez, Schools Division Superintendent ng DepEd Laguna Region IV-A, sa pagbabahagi ng mensahe. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kapayapaan na nakakaapekto hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa mga magulang, guro, at iba pang mga miyembro ng komunidad.

Pagkatapos ng mensahe, ang mga mag-aaral ng peace education ay naglahad ng online na pagtatanghal ng mga awiting ” We Are the World ” at ” Heal the World” sa virtual meeting screen.

Sa sesyon sa umaga, ipinakita ang buod ng 12 Aralin ng Peace Education at standard lesson plan.

Sa workshop, sumulat ang mga guro ng mga lesson plan ayon sa mga alituntunin para maiangkop ang mga materyales para sa mga mag-aaral. Ang mga pinaunlad na materyales ay gagamitin sa gaganaping pilot testing para sa mga paaralan sa Rehiyon IV na magsisimula sa Pila, Laguna.

Upang maabot ang higit pang mga mag-aaral sa panahon ng pandemya, patuloy na nagsasagawa ang DepEd ng mga proyektong pang-edukasyon kabilang ang peace education sa pamamagitan ng mga alternatibong paraan ng pag-aaral. Para dito, ibinahagi ni Dr. Florentina C. Rancap, Public Schools District Supervisor (PSDS) ng DepEd Division of Laguna – Pila District, ang kanilang plano na bumuo ng isang segment sa isang lokal na istasyon ng radyo—Radio Pinagpala (Blessed Radio)—kung saan linggo-linggo silang magbibigay ng aralin. Ito ay magsisimula sa ika-19 ng Enero.

“Natanggap ko ang hamon na idagdag ang peace education hindi lamang para sa iisang antas, kundi sa lahat ng antas mula sa Kindergarten hanggang Grade 12,” dagdag pa niya.

Mula pa noong 2016, ang HWPL ay nakikipagtulungan sa 72 paaralan at pang-edukasyong institusyon sa Pilipinas kabilang na ang Commission on Higher Education (CHED) para sa pagsasama ng peace education sa kurikulum. Bago ang workshop na ito, ang HWPL ay nakapagsagawa na ng 2 workshop para sa 62 paaralan at pilot testing para sa 8 paaralan na karamihan ay nasa Cotabato City noong Nobyembre 2019 at Enero 2020.

Ang HWPL ay magsasagawa ng isa pang workshop at orientation program para sa 2 pampublikong unibersidad at kolehiyo (SUCS) sa ilalim ng CHED Region V sa ika-14 at 15 ng Enero at para sa 71 SUCs sa ilalim ng CHED Region II sa ika-22 ng Enero.