Partido Federal ng Pilipinas Isinusulong ang Kandidatura ni Bong Go
Halatado at di na maaring ikubli na isinusulong ng ipaparehistro pa lamang na Partido Federal ng Pilipinas ang kandidatura sa pagka Senador ni Special Assistant to the President Secretary Christopher Bong Go batay na rin sa pagkaka imprenta ng kanilang T-Shirt na may marking “let’s GO federal”.
Sa kabila ng pagtanggi at pagtatwa ng mga opisyales nitong tila mga pinaghalo-halong miyembro ng MRRD Group, religious people, OFW’s at mga pulitikong dilaw na bumaliktad tila hindi tapa tang hangarin ng mga itong tunay na sumuporta sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil na rin sa patuloy na pagtanggi ng abogado nitong kilalanin na sila ay para sa Pangulo at sa ipinaglalaban nito.
Halatado rin ito sa di parehas na pakikitungo nito sa mga nagkober na mamamahayag lalo yaong mga nagtatanong sa open forum na tila inaaway ng kanilang itinuturing na spokesperson, isa pang tila masamang sinyales ay ang pamimili ng mga press na nagkober ng kanilang kinuhang PR.
Kabilang ang mga Belmonte sa mga pulitikong nasa likod ng Partido Federal ng Pilipinas at pinapangarap nilang maging katapat ang Hugpong Federal ni Mayor Sarah Duterte at PDP Laban ni Koko Pemintel na batid ng lahat na totoong sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte hindi lang sa Federalismo kundi pati sa laban kontra droga, korapsyon at krimen.///Michael N. Balaguer
NUCESO gathers members for 2018 Mid-Year Convention
The National Union of Career Executive Service Officer (NUCESO) spearheaded
by its National President, Rosalina L. Bistoyong CESO I, will conduct the
2018 NUCESO Mid-Year Conference on July 12-13, 2018 at the Heritage Hotel,
Roxas Boulevard, Manila.
A major highlight of this year’s convention is the Keynote Speech by the
Special Assistant to the President, Secretary Christopher Lawrence “Bong”
T. Go, who will discuss President Rodrigo Roa Duterte’s thrust in curbing
crime and corruption and his envisioned role of Career Executive Service
Officers to achieve a crime and corruption-free Philippines.
Other distinguished speakers in this year’s convention are DAR Secretary
John R. Castriciones, DOLE Secretary Silvestre Bello III, DepEd Secretary
Leonor M. Briones, Chief Justice Reynato Puno, DBM USec. Laura B. Pascua,
CSC Chairperson Alicia Rosa-Bala, CESB Executive Director Atty. Maria
Antonette Velasco-Allones, National Privacy Commission Chairman Raymund E.
Liboro, GPPB Executive Director Atty. Dennis S. Santiago, BIR Director
Marina De Guzman, Natural Oncologist Dr. Farrah Agustin-Bunch, Ms. Maria
Rosa Nieva Carrion of AKS Rotary Club, and Mr. Victorio Mario Dimagiba,
President of Laban Konsyumer, Inc.
The NUCESO chief said she is hoping that more career officials will partake
in this very informative and important event which would entitle the
participants to 16 hours of training credits, with NUCESO being recently
accredited by the Professional Regulation Commission (PRC) as Continuing
Professional Development (CPD) – Provider.
NUCESO is a national association of government executives from the
different Regions and Departments in the country and was organized to
promote *careerism *and*professionalism *in the government service by
implementing programs for the career development welfare of career
executives. # # #
————————————————————————————————————-
Matagal nang kilala ang “Bakang Batangas” o ang katutubong Baka dito sa bansa bilang malasa at masarap kaya lang napabayaan ang sektor ng pag aalaga ng bakang ito dahil sa matagal na nag import ng karne ng baka buhat sa ibayong dagat.
Kamakailan lamang ay inilunsad ang “Angas Beef” “The Filipino Entry to the World Beef industry” sa pangunguna ng Founder ng BV Boer Farms na si Dexter Villamin. Isang dating Overseas Filipino Worker na nagtrabaho bilang Pastry Chef sa Thailand at ngayon ay nag venture sa paghahayupan partikular sa Native na baka na buhat sa kanyang bayan sa Batangas.
Kumpara sa karaniwang pag aalaga sa ating mga katutubong baka na hinahayaan na lamang silang maglaboy sa parang at manginain, habang sa iba naman ay pinakakain sila ng feeds, ang mga bakang inaalagaan nina Villamin ay nasa mga sari-sariling kulungan at pinatataba lamang sa pamamagitan ng pagpapakain dito ng purong damo.
Ayon sa ginanap na pulong balitaang kaakibat nang nasabing paglulunsad, binanggit ni Villamin na mas mura ang “Angas Beef” kaysa mga karne ng baka na ibinibenta sa pamilihan na pawang mga imported at frozen. Ngayon ay kasama na sa Menu ng lahat ng sangay ng Shanrila Hotels ang Angas Beef. 100% grass fed, A Heritage Rediscovered.///Larawan at text ni Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net