
The Lights of Peace Shine: 1,000 Filipino Peace Advocates Virtually Gathered to Celebrate Achievements for Peace in 2021
Matitingkad na ngiti at maiinit na pagbati ang bumungad sa virtual platform sa naganap na pagtitipon ng 1,000 Filipino peace advocates upang ipagdiwang ang “HWPL & IWPG Philippines 2021 Year-end Peace Messengers’ Gathering” noong ika-4 ng Disyembre, 2021 sa Zoom.
Sa temang “The Lights of Peace Shine: A Starry Night of Appreciation”, idinaos ng mga organisasyon ang kanilang kauna-unahang ‘appreciation night’ para kilalanin ang mga pagsisikap at kahanga-hangang tagumpay ng kanilang mga katuwang na indibidwal at organisasyon na may malaking kontribusyon sa gawaing pangkapayapaan sa bansa.
Ang mga nag-organisa, Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) at International Women’s Peace Group (IWPG) ay mga internasyonal na non-governmental organization na nakatuon sa pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan at pagtigil ng digmaan.
Sina Hon. Jose Warren Villa, Vice Mayor ng San Juan City, Senador Joel Villanueva at Chief Justice Alexander Gesmundo ay nagbigay ng mga mensahe ng pagbati para sa kaganapan.
“Hangad ko ang lahat ng makabubuti para sa HWPL Philippines sa adbokasiya nitong makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa mundo at pagtigil ng digmaan sa pamamagitan ng edukasyong pangkapayapaan, interfaith dialogue, pagpapalakas ng pwera ng mga kabataan at kababaihan, at boses ng midya,” sabi ni Chief Justice Gesmundo.
Ibinahagi ni Man Hee Lee, Chairman ng HWPL, ang kanyang appreciation message para sa Pilipinas at ikinuwento kung paano nila sinimulan ang HWPL sa bansa, “Naglibot ako sa mundo ng 31 beses. Sa lahat ng mga ito, Pilipinas ang pinakamadalas kong binisita na parang tahanan ko na. Pinakamadalas akong nagpabalik-balik rito.. Hindi lamang ito ngunit pumunta rin kami sa maraming paaralan, kabilang ang mga unibersidad sa Pilipinas, magkahawak-kamay at nangakong magtutulungan para sa kapayapaan.”
Ang awarding ceremony ay naganap matapos ang presentasyon ng progress reports mula sa bawat departamento katulad ng international law, peace education, religion, youth, women at press. Iginawad ng HWPL ang 21 plaques of recognition, 101 certificates of recognition at 175 certificates of appreciation bilang pagpapahayag ng kanilang ‘taos-pusong pasasalamat sa napakagandang kontribusyon at patuloy na suporta’ ng kanilang mga ka-partner para sa kapayapaan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Sa ngalan ng lahat ng awardees, nagbigay ng acceptance message si Commissioner Dr. Ronald Adamat ng Commission on Higher Education (CHED), “Naniniwala ako na napakahalaga para sa atin sa propesyon na ito na mapagtanto ang kakayahan na mayroon tayo at kung paano ito makatutulong sa mga walang kakayahan na makamit ang kanilang mga layunin na magkaroon ng mapayapang pamumuhay. Totoo, hindi natin malulutas ang mga problema sa pamamagitan ng komunikasyon lamang; kailangan nating maging matatag sa pagtuturo ng peace education. Ito ay pang-araw-araw na gawain ngunit kami, ang HWPL, ang Commission on Higher Education ay maaaring magamit ang aming trabaho para sa paglilingkod sa kapayapaan sa mundo at sa paglilingkod sa sangkatauhan.”
Ibinahagi rin niya ang mga plano ng CHED sa hinaharap para sa pagpapatupad ng peace education sa higher education curricula tulad ng patuloy na pagsasagawa ng mga pagsasanay at capacity building workshop para sa mga faculty member mula sa iba’t ibang HEIs, certification of peace education advocates, at pagbuo ng action plan para sa Executive Order 570, “Institutionalizing Peace Education in Basic Education and Teacher Education”.
Ang mga boluntaryo ng HWPL ay sumulat at nagtanghal ng kanilang makabag-damdaming spoken word poetry na pinamagatang “Daan Patungo sa Kapayapaan (Daan sa Kapayapaan)”. Nilalayon nito na ipakita sa mga tao ang mundo na walang mga sigalot at digmaan upang humimok sa atin na kumilos ayon sa pagpapatupad ng kapayapaan sa buong mundo.
Sa pagtatapos ng programa, inanunsyo ang mga nanalo para sa Best Attire of the Night para sa lalaki at babae, na sina G. Nasrodin Ibra para sa kanyang cultural attire, at si Ms. Sholai Lim para sa kanyang pulang tribal Filipiniana. Ang mga dumalo ay nagsumite ng kanilang mga entry sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang mga larawan na nakasuot ng pormal o pangkulturang kasuotan sa Facebook gamit ang hashtag na #HWPLIWPG2021YearEnd.




