PILIPINAS AYAW NG GIYERA; MAPAYAPANG PAGSASAMA SAMA PINIGILAN SA BULACAN

PILIPINAS AYAW NG GIYERA

Sa kabila ng nangyayaring gulo sa west Philippine sea kung saan binobomba ng tubig ang mga tropa ng gobyerno at maraming nasaktan sa mga miyembro ng ating hukbong dagat, ayaw pa rin ng maraming Pilipino ng giyera.

nagkaroon ng pagpirma ang mga concern citizen na magkakapareho ang pananaw. Kabilang sa mga dumalo ay mga anti war, anti EDCA peace movement at koalisyon ng mamamayan kontra giyera.

ang pagkalap ng porma na ito ay kalat sa maraming bahagi ng bansa kagaya sa Bustos Bulacan kung saan nagkaroon ng kaparehong aktibidad na ginanap sa daily bread resort.

kabilang sa mga bisita ay sina Atty. Harry Roque, Herman Tiu “ka Mentong” Laurel, Atty. Lorraine Badoy, Peter Tiu Laviña atbp.

ayon sa mga proponent ang proxy war na ito ay ukol lang sa Amerika at China at hindi nila nais ang patuloy na militarisasyon sa south china sea at west philippine sea. ///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

MAPAYAPANG PAGSASAMA SAMA PINIGILAN SA BULACAN

ang mapayapang pagsasama sama ng mga taga suporta at kaalyado ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay agarang pinatigil sa Bustos Bulacan kahapon Abril 28 2024 dahil umano sa isang sumbong galing sa nagma may-ari ng lupa na paggaganapan ng aktibidad.

Bago ito ay nagtungo ang mga nangunguna sa aktibidad na ito at humingi ng permiso sa lungsod ng Malolos gayundin sa kapitolyo ng Bulacan dahil sa makasaysayang papel ng lalawigan bilang isa sa mga sinag sa bandila ng Pilipinas.

Nakatakdang hingin ng pahayagang ito ang reaksyon ng mga pinuno ng lalawigan na binanggit nga mga tagapagsalita sa nasabing aktibidad kagaya nila Gov. Daniel Fernando, Mayor Christian Natividad, Congresswoman Rida Robles at Congresswoman Tina Pancho at ating Ipo post sa website na ito.

///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com

-30-