THAILAND WEEK SA MAKATI, 8X8 KALABAN NG TELCO at ANG ELK’S CLUB SAMAHAN NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS

Umarangkada kamakailan ang Thai Bazaar sa lungsod ng makati kung saan samut-saring paninda ang mabibili na mula sa bansang Thailand. Showcase sa nasabing Thailand Week 2024 ng Kingdom of Thailand ang kanilang mga pagkain.

Mga pagkain na swak sa panlasa ng Pinoy pati ang kanilang mga herbal medicines na talagang maginhawa sa pakiramdam. Namataan nating dumalo sa nasabing okasyon sina Senator mark Villar at Makati City mayor Abigail Binay.

Sa bahagi naman ng Diplomatic corps ay naroon rin sina Malaysian Ambassador to the Philippines H.E Dato Abdul Malik Melvin Castelino Bin Anthony at ang kanyang mga contigent na sina Mr. Mohd Fareed Zakaria of Chargé d’Affaires a.i. / Deputy Head of Mission, Shukri Ahmad, Counsellor ; Nadhirah Zanudin, Counsellor; Intan Zalani, Trade Commissioner; Adhwa Azmil, Assistant Trade Commissioner; .

Ang Thailand Week 2024 ay pinangunahan ng embassy of the Royal Kingdom of Thailand na si H E Tull Traisorat at ng kanyang mga kasama buhat sa Thailand Embassy. ///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

8×8 Kalaban ng mga TELCO

Nagkaroon ng pulong balitaan kamakailan kung saan ang pangunahing naging topic ay tungkol sa kung paano maima maximize ang gamit ng text o yung short messaging service ng ating mga cellular phone o kahit mga smart phone.

Wika ng mga speakers kahit paano ang gawin natin ay mas epektibo talaga ang text kaya lang ay maraming mga features na hindi ito pwede gaya ng pagpapadala ng graphics o pictures na nagagawa na ngayon sa pamamamagitan ng ilang aplications gaya ng whatsapp at viber.

Layunin nilang maipa abot ang simple, epektibo at siguradong makapapadali ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng komunikasyon. Sabi sa presentasyon ay ang unang kalaban nila sa teknolohiyang ito ay ang mga telecommunications companies o TELCO.

Samantala isang magandang balita sa mga suskrotor ng teks ang balitang ito dahil tunay na mas epektibo pa rin ang teks kaysa mga internet-based na messaging apps kahit na may batas na hindi naipapadala o nakakatanggap ng link ang nasabing midyum.

Sakaling mapag ibayo o tangkilikin ng mga nakakaraming indibidwal, grupo o negosyo pati ng ilang sangay ng gobyerno ang panukala ng 8X8 makatitiyak na bukod sa mayroon ng isa pang pagpipilian ang konsumer tyak na ang bentahe nito ay pabor sa tao at sa negosyo o merkado kahit pa itinituring ang 8X8 na kalaban ng TELCO///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

ANG ELK’S CLUB SAMAHAN NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS

Maraming samahan pang negosyo at kultural ang ibat-ibang dayuhan na nakatira sa dito sa bansa at sila ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng kanilang mga kababayan at mga Pilipino. ito ay isang katotohanan na nakita namin ng kami sa bumisita sa Elk’s Club, isang samahan pangnegosyo ng mga Amerikano na dito na nani nirahan sa bansa.

Ang lugar ding ito sa Central Bisiness district ng Makati City ay ang tahanan ng American Chamber of Commerce and Industry o AMCHAM kung saan gaya ng ibang chamber of commerce ay binubuo ng mga indibidwal at korporasyon ng mga dayuhan na naissip na dito na sa bansa maglagi at tumulong para sa ikauunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Isa rin marahil itong tahanan ng mga miyembrong amerikano ng samahang freemasons dahil sa kakatwang mga katawagan nila sa mga ranggo ng kanilang mga opisyales. Bukod sa ito ang itinuturing na tahanan ng Samahang pang komersyo ng mga amerikano, isa ring bar ang Elk’s Club, isa rin itong events Venue at maaring magtanghal dito ang mga mangagawa ng sining at mga performers pati ang mga nagsasagawa ng mga forum at conferences.

Kabilang sa mga naka daupampalad ng pahayagang ito ay ang dating pangulo na isa ring kaibigan ng mga may ari ng pahayagan, ito ay si Ginoong Aaron Key Jr. na dalawang bases naging pangulo ng kanilang samahan Elk’s Club at dating miyembro ng sandatahang lakas ng Estados Unidos ng Amerika.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk