Webinar upang Talakayin ang Pagpapatupad ng Internasyonal na Batas para sa Kapayapaan

Noong Marso 14, ang ika-5 Taunang Paggunita ng DPCW ay ginanap ng HWPL bilang isang live na webinar. Dinaluhan ito ng higit sa 1,200 katao sa 132 bansa mula sa lahat ng mga sektor ng lipunan kabilang ang gobyerno, mga pang-internasyonal na samahan, pinuno ng mga grupo ng kababaihan at kabataan, mga pinuno ng relihiyon, mamamahayag, at mga kasapi ng sibikong lipunan.

Inorganisa ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) ang paggunita ngayong taon sa temang “Marching on Toward Sustainable Peace in a Pandemic Era”, bilang isang platform upang magbahagi ng direksyon para sa hinaharap at mga pag-aaral ng iba’t ibang sektor na nakikipagtulungan sa buong mundo bilang mga mensahero ng kapayapaan, upang magdadala ng kapayapaan bilang pagtugon sa pandemya.

Ang nag-organisa nito, HWPL, ay isang pangkapayapaang NGO na may Consultative Status sa UN ECOSOC at kaugnay ng UN DGC. Para sa layuning wakasan ang lahat ng digmaan at paglikha ng isang mapayapang mundo bilang isang pamana para sa mga susunod na henerasyon, isinasagawa ng HWPL ang 3 pangunahing inisyatiba – internasyonal na batas para sa kapayapaan, diyalogo ng iba’t ibang relihiyon, at edukasyong pangkapayapaan.

Nilalaman ng Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW) ang mga batayan sa pagtataguyod ng kapayapaan tulad ng pagbabawal ng paggamit ng puwersa, pagpapaunlad ng mabuting pagsasamahan, at mapayapang paglutas ng di-pagkakaunawaan. Binibigyang-diin nito ang kooperasyong internasyonal batay sa diyalogo ng iba’t ibang relihiyon at pakikilahok ng mga mamamayan upang lumikha ng isang kultura ng kapayapaan.

Mula nang ipahayag ito noong ika-14 ng Marso, 2016, ang modelo ng pagtataguyod ng kapayapaan na nakabatay sa DPCW ay nagpatuloy upang makatanggap ng pagkilala at suporta ng gobyerno para sa dayalogo ng mga relihiyon, edukasyong pangkapayapaan, mga pangkapayapaang gawain ng mga kabataan at kababaihan.

Bilang isang miyembro ng International Law Peace Committee (ILPC) na nagsulat ng DPCW, ipinaliwanag ni Propesor Ciaran Burke kung paano itinatag ang DPCW sa “paniniwala na ang hudisyal at iba pang hakbang sa paglutas ng di-pagkakaunawaan ay maaaring palitan ang papel ng giyera sa panuntunan ng batas. “

Binigyang-diin din niya ang DPCW sa pamamagitan ng pagbanggit sa sinabi ni Chairman Man Hee Lee ng HWPL, “ang inaasahang epekto ng DPCW ay magpapataas sa moral at pulitikal na responsibilidad ng mga pinuno sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga ligal na obligasyon ng kanilang gobyerno nang sa gayon ay mawala ang agwat sa pagitan ng batas at politika. “

Nagpapatuloy ang mga pagsisikap na maipatupad ang kapayapaan batay sa DPCW. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya at Gitnang Amerika ay nagsimula na muling itayo ang kanilang pambansang ligal na imprastraktura batay sa DPCW, at opisyal na idineklara ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang suporta para sa DPCW upang maipatupad ang mga simulain ng kapayapaan.

Sa Timog Asya, ang DPCW ay ipinakilala sa kurikulum ng unibersidad bilang isang kurso sa pananaliksik sa akademiko tungkol sa papel na ginagampanan ng batas para sa isang mapayapang lipunan.

Ayon sa UNESCO, higit sa 190 bansa ang nagsara ng mga paaralan, at higit sa 1.6 bilyong mag-aaral ang nawalan ng pagkakataon para magpatuloy sa edukasyon. Bilang bahagi ng kampanya sa online, “Teaching Goes On”, ang edukasyong pangkapayapaan ng HWPL ay itinuturo ngayon sa 214 lokasyon sa 34 na mga bansa, na ibinibigay online para sa higit 5,000 mag-aaral 224 beses sa 15 mga bansa.

Binigyang-diin ng Ambassador at Permanent Delegate ng Mali sa UNESCO, S.E Monsieur Oumar KEITA ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan para sa edukasyon, “Dapat tayong magkaisa sa diwa ng kooperasyon upang matiyak ang kapayapaan sa antas pambansa at internasyonal. Dapat nating isaalang-alang ang pangangailangan para sa isang komprehensibong ligal na paraan na gagabay sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan, anuman ang nasyonalidad, etnisidad, o relihiyon. Ang paunang salita sa DPCW na may 10 artikulo at 38 na sugnay ay mahusay na tinatalakay ito. “

Tungkol sa kahalagahan ng relihiyon sa pagpapalaganap ng pag-asa at kapayapaan sa panahon ng pandemya, sinabi ni Allama Syed Abdullah Tariq, Pangulo ng World Organization of Religion & Knowledge, “Sa tuwing humaharap ang sangkatauhan sa isang mahirap na panahon, mayroong isang relihiyon na nagbibigay sa kanila ng pag-asa at lakas ng loob upang mapagtagumpayan ang mga krisis.

May kapangyarihan ang relihiyon upang paliitin ang mga pagkakaiba natin at pag-isahin tayo at palakasin upang makaraos sa mga problema. Ang mga pagsisikap na ito ay magbubunga ng kultura ng kapayapaan kung ang kasalukuyang henerasyon ay lubhang nangangailangan ng pag-asa. “

Simula noong 2014, ang pagpupulong para sa interfaith na diyalogo ng HWPL na kilala rin bilang WARP Office Meeting ay pinalawak na ngayon sa 129 bansa; ang bilang ng mga pagpupulong sa online ay tumaas dahil sa pandemya. Sa pagpupulong ng WARP Office, ang mga panrelihiyong komunidad ay nagsagawa rin ng sama-samang pagdarasal, pagninilay, at mga peace camp upang maabot ang mga taong dumaranas ng kahirapan dahil sa pandemya.

Ang International Peace Youth Group (IPYG) na kaakibat ng HWPL, ay nagtatayo ng isang network ng kapayapaan ng mga kabataan sa buong mundo sa pamamagitan ng Youth Empowerment Peace Workshop (YEPW). Ito ay kinasihan ng proseso ng DPCW sa pagsasakatuparan ng kapayapaan, upang mapalakas ang mga kabataan alinsunod sa UN SDG at Youth 2030.

Sinabi ni G. Ruben Sapetulu, Deputy Secretary Agent para sa United Nations Youth Association of Zambia (YUNA Zambia), “Nakilahok ako sa paghahatid ng 3,000 sulat para sa kapayapaan sa ministro ng hustisya sa Zambia para sa panukalang DPCW. Ako ay kumikilos dahil sumasang-ayon ako na ang DPCW ay isang mabisang paraan upang matigil ang giyera at magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo.

Ang pagkalat ng kultura ng kapayapaan batay sa DPCW ay tiyak na paraan upang makamit ang kapayapaan. Mga pinuno ng daigdig, mangyaring bigyang pansin at suportahan kung ano ang sinasabi ng DPCW tungkol sa proseso ng pagsasakatuparan ng kapayapaan. “

Hinimok ni Chairman Man Hee Lee ng HWPL ang kooperasyon at pagkakaisa para makamit ang kapayapaan, “Walang pag-aari o anupaman ang maaaring maging isang pamana sa hinaharap.

Dapat tayong lumikha ng isang mundo ng kalayaan, kapayapaan, at pag-ibig nang walang giyera, at gawin itong isang walang hanggang pamana para sa ating mga inapo. Ito ang kailangan nating gawin sa panahong ito. Kahit na ang proseso ng pagsumite ng DPCW sa UN ay natigil sandali dahil sa pandemya, ang pagnanais na makamit ang kapayapaan ay hindi nagbabago.”