Heavenly Culture World Peace restoration of Light Philippines


HWPL, DepEd Cavite nanguna sa makasaysayang pagtitipon para sa kapayapaan,
nagdiwang ng ika-11 anibersaryo ng Peace Day sa Aguinaldo Shrine
lead a historic gathering for peace, celebrate 11th anniversary of the Peace Day
at Aguinaldo Shrine
Kawit, Cavite, Enero 24, 2025 – Matagumpay na ipinagdiwang ng Heavenly Culture,
World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang internasyonal na samahang
pangkapayapaan, at ng Department of Education Schools Division Office of Cavite –
Kawit Sub-Office, ang ika-11 anibersaryo ng January 24 th HWPL Peace Day sa
Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite.
Ginugunita ang Enero 24 HWPL Peace Day na idineklara ng Lalawigan ng
Maguindanao taun-taon simula ng magawa ang Mindanao Peace Agreement ng mga
lokal na pamahalaan at pinuno ng mga grupong sibil noong Enero 24, 2014. May
temang, “Honoring Our Heritage, Uniting for Global Peace: Empowering the Youth to
Champion the DPCW Towards a War-Free World,” pinagtipon-tipon ng kaganapang ito
ang may 8,000 kalahok kabilang ang mga guro, magulang, mag-aaral, opisyal ng
pamahalaan at seguridad para sa isang malakihang Peace Walk na pumarada sa
Tanggulan Street at Tirona Highway.
Layunin ng selebrasyong ito na palaganapin ang pagkakaisa, bigyang dangal ang
iisang kulturang pinagmulan, at makakuha ng suporta para sa Declaration of Peace
and Cessation of War (DPCW) sa pamamagitan ng isang Thumbprint Flag na ginawa
ng mga mag-aaral mula sa 13 paaralan sa Distrito ng Kawit.
Isang dokumento ang DPCW na naglalaman ng 10 artikulo at 38 talata na nag-
aadbokasiya ng international cooperation, conflict resolution, at sustainable peace.
Nananawagan ang HWPL sa mga mambabatas na suportahan ang dokumentong ito na
magsisilbing roadmap para sa kapayapaan sa mundo, sa pamamagitan ng
pagsusumite nito sa United Nations. Bukod sa mga bansa, intergovernmental
organizatioons, mga global leader at indibidwal sa buong mundo, nagawa rin ng DPCW
makakuha ng resolusyon mula sa Cotabato City, Munisipalidad ng Kapalong sa
Lalawigan ng Davao del Norte, at Lungsod ng Davao.
Sa ipinadalang mensahe ni HWPL Chairman Lee Man-hee, sinabi niya: “Within each of
our hearts gathered here today, there are blooming flowers of peace. To ensure that
these flowers of peace never wither, what must we do moving forward? How can we
continue to sustain the history of peace in the Philippines eternally? The answer lies in
education. Education is a powerful tool that nurtures the minds and hearts of individuals
while instilling the values of love and harmony.”
Layunin ng HWPL na ituon ang pansin nito sa pagpapalganap ng kultura ng
kapayapaan sa pamamagitan ng HWPL peace education sa bawat bansa at
makapagtatag ng mga peace club upang maging tuntungan ng mga kabataan para
maging mga peace ambassador ng mga bansang ito.
Isang mahalagang lugar ang Aguinaldo Shrine sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ang
lokasyon kung saan idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas. Sa pagdaraos ng
selebrasyon ng Peace Day sa lugar na ito, nagsisilbing tulay ang kaganapang ito sa
nakalipas at sa kasalukuyan, kung saan kinikilala ang mga sakripisyo ng mga
nakipaglaban para sa kalayaan habang tinitingnan ang hinaharap na wala nang
digmaan at tunggalian.
Kaugnay ng Peace Day anniversary celebration, nagasagawa rin ang HWPL sa
pamamagitan ng youth wing nito, ang International Peace Youth Group (IPYG), na
nagsagawa ng Youth Empowerment Peace Class nitong nakaraang Enero 14-15, kung
saan binibigyan ng kasangkapan at inspirasyon ang may 130 Peace Club Officers
upang maging aktibong peace advocates. Isinagawa rin ang oath-taking ng mga opisyal
na kabataang ito sa programa ngayong araw na ito.
Sa aktibidad na ito isinulat ng isang mag-aaral sa ika-5 Baitang na si Erhieca Francais
Caccam, ng Batong Dalig Elementary School sa Kawit, Cavite ang isang bukas na
liham para kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
“Even though the world has many problems, I believe we can solve them if we listen to
each other and work together. I think the Philippines can show other countries how
people can love peacefully and help each other no matter what their differences,” saad
ng ilang bahagi ng kaniyang liham.
Binibigyang-halaga ng tema ngayong taon ang kahalagahan ng pamana at youth
empowerment upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan. Ipinapakita ng aktibong
partisipasyon ng mga guro at mag-aaral ang kapangyarihan ng edukasyon upang
hubugin ang isang mapayapa at nagkakaisang global community.
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mas malalim na pagtanggap sa iisang kasaysayan at sa pagkuha
sa mga kabataan bilang champions ngDPCW, nilalayon ng kaganapang ito na makakuha ng malawakang suporta para sa isang mundong walang digmaan.

Matagumpay na year-end gathering ng HWPL idinaos
Ipinagdiwang ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) sa pakikipagtulungan ng International Women’s Peace Group (IWPG) ang 2024 Year-End Peace Messengers’ Gathering, na may temang “Shining Together for Peace: A Night of Gratitude and Inspiration” nitong Disyembre 28, 2024 Nagsama-sama sa kaganapang ito ang mga tagasulong ng kapayapaan, kinatawan ng ilang lokal na pamahalaan, grupo ng mga kababaihan, civil society, kabataan, mga kasapi ng pamamahayag, at mga pinuno mula sa akademya mula sa ibat’t ibang panig ng Pilipinas.
Itinampok sa virtual gathering na ito ang mga nagawa ng HWPL para sa pagpapakalat ng kapayapaan sa pamamagitan ng peace legislation, peace education, interfaith dialogues at youth and women empowerment. Nakita ng mga dumalo ang accomplishment report at presentation ng mga plano para sa 2025. Nagsilbi ring renewal of commitment para sa pagtataguyod ng kapayapaan sa buong mundo ang naturang kaganapan.
Nagpasalamat ang HWPL sa lahat ng mga kasapi at tagasuporta nito na naging daan upang makamit ang mga tagumpay na ito. Pinalalakas ng kanilang kontribusyon ang HWPL upang mapalawak pa ang abot nito at mapalakas ang kakayahan upang palaganapin pa ang kultura ng kapayapaan sa mga komunidad sa lahat ng panig ng bansa.
“We must help each other and work together to build a good world that is livable for the future generations. To do so, we must work under the banner of peace and work towards achieving global peace. We must make this a common goal shared by all of us and make that a legacy that will last for future generations,” ayon kay HWPL Chairman Lee Man-hee noong nakaraang HWPL World Peace Summit.
Mula sa mga salitang ito ni Chairman Lee, hinimok ni HWPL Philippines Chief Branch Manager Rommel Garces ang lahat na ipagpatuloy ang kanilang suporta.
Inaanyayahan ng HWPL ang mga indibidwal at organisasyon to lumahok sa misyon nito sa pamamagitan ng pagtatala ng kanilang detalye dito: bit.ly/SignUpHWPL
Inihayag din ng HWPL ang plano nitong magdaos ng 3rd HWPL International Religious Peace Academy, sa darating na tatlong Sabado- sa Enero 11, 18 at 25, 2025. Bibigyang pagkakataon sa pamamagitan ng live na programang ito ang mga lider panrelihiyon at mga indibidwal na makasali sa isang makabuluhang diskusyon sa kanilang paniniwala– upang magkaroon ng malalim na pagkaunawa at mapalaganap ang interfaith harmony.
Maaaring magrehistro dito ang sinumang nagnanais dumalo rito: bit.ly/HWPL-IRPA_fbls
Nakahanda ang HWPL na ipagpatuloy ang mga inisyatiba nito sa paparating na bagong taon upang isulong ang edukasyon, legislation at adbokasiya mula sa komunidad bilang pinakapundasyon ng istratehiya nito upang palaganapin ang kapayapaan sa mundo.
###






