Ang dapat Mabatid ng mga Tagalog may Tagalog Ummah sa Bulacan

HINDI man lubos na ipakita sa kilos ngunit sa kanilang pagha harap-harap ni Punong Lalawigan Daniel Fernando ng Bulacan at mga representante ng Tagalog Ummah na bumisita upang magpakilala sa kapitolyo kamakailan.

Kinabibilangan ng mga propesyunal na taal na tagalog at ipinanganak, naninirahan at botante sa lalawigan ng Bulacan. Dinalaw nila ang Punong Lalawigan at binati ito sa kanyang muling pagkapanalo at ngayon nga sa kanayang huli at ikatlong termino bilang gobernador nais nilang ipakilala ang kanilang mga sarili at sabihing hindi lamang sa Mindanao nanggaling ang mga Muslim dahil maging dito sa Buulakan ay patuloy silang dumarami.

Isa sa mga kasama at masasabing karapat dapat na ipagmalaki na tunay na anak ng Bulacan ay si Sheikh Abdullatif Eduardo Arceo na taal na taga San Ildefonso at may itinayong malaking Mosque o sambahan ng Muslim sa dakong iyon.

Si Arceo ang nagliwat ng mga kataga ng Banal na Qur’an buhat sa tradisyunal na Arabic at isinalin sa wikang Filipino (tagalog). dahil sa karunungang ipinagkaloob sa kanya ng Dakilang Lumikha naging daan ito upang dumami ang mga nakakaunawa sa Banal na Qur’an sa Luzon, Visayas at Mindanao na hindi Muslim.

Batid ng lahat sa karamihan sa mga taga Luzon at Visayas ay mga Kristiyano at ang iba ay nabibilang sa mga relihiyong hindi muslim kaya ng isalin sa Tagalog ang Qur’an ay naunawaan itong maigi ng mga tao at naisabuhay bukod pa sa Da’wah na ginagawa ng ibang kapatiran na bumalik sa Islam.

Patuloy sa pagdami at pagyakap sa Islam ng mga Krisyiyano lalo yaong nagtrabaho sa mga bansang Muslim at naging maayos ang pakikitungo sa kanila ng kanilang mga katrabaho sa mga bansang ito na kanilang nadala dito sa bansa at sa kanilang mga pamilya.

Ang mga sumusunod ay mga kasama ni Sheikh Arceo sa kanyang pakikipagkita sa Punong Lalawigan ng Bulacan.