Boto Wag Ibenta

OUR VOTE OR FUTURE

Mahigpit na Ipinagbabawal ang pamimili ng boto ngayong darating na eleksyon, Ang sinu mang mahuli ay may karampatang parusa base sa COMELEC Resolution no. 10207 and Section 261 of the OMNIBUS ELECTION CODE ON ELECTION OFFENSES OF VOTE-BUYING AND VOTE-SELLING.

ATING Boto, ating kinabukasan, isang multi sektoral na pulong balitaan na ginanap upang isulong ang adbokasiya sa hindi pagbebenta ng boto at hindi pagbili ng boto.

Matutunghayan ito sa facebook live at pangungunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando upang talakayin ang mga negatibong kahihinatnan ng pagbili at pagbebenta ng boto.

Ngayong darating na halalan hinihimok ang madla na isulong ang isang gobyernong TAPAT, MALINIS, at PATAS na magsisimula sa nalalapit na halalan.

Sinasabing sagrado ang boto at ang siyang magdidikta sa hinaharap ng ating bayan kaya marapat na hindi ito ipagpalit sa anumang bagay o salapi at ito rin ay isang karapatan na maaring magbigay sa atin ng isang GOBYERNONG TAPAT at mga LINKOD-BAYANG MAGSESERBISYO, HINDI MAGNENEGOSYO.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net