DAMAYANG FILIPINO, DOH AT PHO BULACAN MAGSASAGAWA NG BLOOD LETTING

DAMAYANG FILIPINO, DOH AND PHO BULACAN BLOOD LETTING PROJECT

ANG PAGTULONG sa tao ay isang mabuting Gawain lalo kung ang gagawing pagtulong ay ang pagbibigay ng sariling dugo. Dahil dito, ang Department of Health ay nakipagtulungan sa Bulacan Public Health Office upang magsagawa ng isang bloodletting project ngayong darating na November 4 2022 sa ganap na 8 AM hanggang 2 PM na gaganapin sa Provincial Capitol Gymnasium sa Malolos.

Ang tema ng proyektong ito ay “Makikiisa, ako ay bayaning Bulakenyo, nagpapahalaga sa buhay ng bawat mamamayan” kung saan pinahahalagahan ang buhay ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo gaya ng mga ginawa n gating mga bayani at ang proyektong ito ay buhay din sa pakikipagtulungan ng  Damayang Filipino Movement Inc. sa pangunguna ng kanilang Chairperson Athenie Bautista.

Bawat tao na may maayos na pangangatawan at malusog ay inaanyayahang maging donor dangan lamang ay may mga bagay na dapat isa alang alang gaya ng 1. Kung ang isang donor ay may tato, dapat ay anim na buwan na ang nakalipas nung siya ay nagpa tato bago siya mag donate ng dugo, 2. Dapat na ang magdo donat ng dugo ay fully vaccinated, 3. Kung ang donor naman ay vaccinated ng booster kailangan ay 25 na araw pagkaraan niyang magpa bakuna saka siya magdonate ng dugo, 4. Dapat na ang donor ay hindi anemic o high blood  5. Ang timbang ay dapat 50 kilos pataas 6. Dapat may sapat na tulog at hindi puyat at lalong hindi diabetic.///Michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net

-30-