NAMINGAY ng mga hygiene kits na kinapapalooban ng mga shampoo, toothpaste, toothbrush, sabon, kulambo, kumot, sinelas atbp sa mga Muslim na residente nang lungsod ng Malolos sa lalawigan njg Bulacan na nakatira sa mga lugar na binaha nitong kasagsagan ng bagyong Carina.
Tinatayang nasa 280 hygiene kits ang ipinamigay sa pagtutulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Rowena Tiongson at ng Damayang Filipino Movement Inc ( DFMI) sa pangunguna ni Athenie Bautista sa mga miyembro ng Islamic Council of the City of Malolos (ICCM(/ City of Malolos Muslim Consultative Council (CMMCC) sa pangunguna ni Abdul Malik Bin Ismail bilang Vice Chairman at Maryam Jannah Binti Ismail Bilang Kalihim.
Nagsilbing benepisyaryo ang mga residente sa mga barangay ng San Vicente, Caingin Atbp kung saan may mga moske at siyang may malaking bilang ng mga residenteng Muslim sa nasabing lungsod, bagaman ang maraming Muslim dito ay Maranao at iilan lamang ang mga taal na tagalog, itinuring na rin nilang kanilang pangalawang tahanan ang lalawigan partikular ang Malolos dahil marami sa kanila ay mga rehistradong botante.
Kamakailan ay iniupo o nai enthrone bilang Princesa ng Kawang-gawa ng Pangampon A Pilipinas si Athenie R. Bautista, ang Chairperson ng DFMI. Ang nasabing pagkilala ay patunay ng marubdob na pagnanasa ng DFMI na tunay na maglingkod sa mamamayan bilang movement para sa serbisyo publiko na ngayon nga ay isa ng rehistradong Party-list.