ISTIQBAL RAMADAN 2026 (1447) KAUNA-UNAHAN SA BULACAN

Ang banal na buwan ng Ramadan sa mga kapatirang Muslim ay malapit na namang sumapit. Ngayong taon muling gugunitain ang isa sa limang haligi at inaantabayanang 29 na araw ng pag aayuno ng mga may malusog na pangangatawan at mananampalataya sa relihiyong patuloy na dumarami ang bilang.

Sa lalawigan ng Bulacan kung saan ang pananampalatayang Islam ay nabubuhay kasabay ang mayoryang kristyanismo, ang mga nagbalik sa pananampalatayang mga tagalog, kapatiran buhat sa mga tribo ng Mindanao pati na rin yang mga nanggaling sa ibayong dagat at nananalangin na magdaos ang kanilang minamahal na lalawigan ng isang banal na paghahanda na malaya sa sekularisasyon.

Uminod sa temang “Puso at Isip hinuhubog sa Taqwa (takot sa Allah), Isang Ummah (pamilya) pinatatatag ng pananalig sa Allah” ang pambihira at makasaysayang aktibidad na ito ay hihikayat sa mga kapatiran buhat sa 24 bayan ng Bulacan na siyang magsasama sama sa Bulacan Capitol Gymnasium a at itinuturing na kauna unahan na panlalawigang Istiqbal (pag anyaya) sa kasaysayan ng mga Muslim sa Bulacan.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapagkaisa ang lahat ng Bulakenyong Muslim na hindi alintana ang tribo, idolihiya at sekta bagkus nakatuon lamang sa pagsamba at pananalig sa Dakilang Lumikha.

Nakatakdang ganapin Ika 15 ng Pebrero 2026 mula alas 8 ng umaga hanggang ika 5 ng hapon araw ng linggo at pangungunahan ng mga klerikong Muslim (Mufti, Sheik, Ulama and Imam) sa lalawigan ng Bulacan kung saan makikibahagi ang mga Bulakenyong Muslim.