
9th DIWANG-INCORPORATING CULTURE TO EDUCATION
DALAWANG taon na magkasunod nagwagi ang mga taga Mindanao sa Balagtasan tinalo pa ang mga taga Bulacan ayon kay Vim Nadera ng Philippine High School for the Arts sa ginanap na virtual presscon ng National Commission for Culture and The Arts (NCCA) kamakailan tungkol sa 9th Diwang o Sagisag ng Kultura ng Filipinas Competition.
Ito ang sagot sa tanong ng www,dzmjonline.net kung paano maipapasok ang kultura sa pag aaral sa Mindanao gayun din maraming misconceptions at misunderstanding tungkol sa kulltura ng ilang bahagi ng Minadanao kagaya ng sa Muslima at Lumad. Nabatid na hindi tatlong grupo ang mga ito kundi tatlong magkakasamang mga grupo dahil may mga lumad na Muslim at may mga Lumad na Kristiyano bukod pa sa taal na Lumad na hindi Kristiyano o Muslim.
Kabilang sa mga nakibahagi ay sina Dr. Orlando B. Magno, Vim Nadera, Alvin Ringgo C. Reyes, Sonny Cristobal, at ang NCCA tunay nga na mahalaga ang mga katulad na aktibidad upang mapag isa ang bayan at makalikha ng epektibo ay makatotohanang pakikipag ugnayan sa lahat ng Filipino sa buong bansa.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net
-03-