Mamamahayag hinaras ng mga tauhan ng pulitiko sa DRT sa umano ay bilihan ng boto

Ang pagiging parehas sa pamamahayag ay maari mong ikamatay. Ito ang maaring naging kahihinatnan ng ilang mamamahayag katulad ng pahayagang ito kamakalawa ng subukan nilang siyasatin ang katotohanan sa likod ng umano ay bilihan ng boto sa paligid ng munisipyo ng Donya Remedios Trinidad sa Bulacan, sakop ng Barangay Pulong Sampalok

Matapos ikutan ng mga mamamahayag lulan ng van ang paligid ng naturang lugar ay nahimpil sila sa isang convenient store at pumarada para magpalamig laban sa init ng panahon.

Nang pabalik na sila papuntang Barangay Camachile ay binuntutan sila ng isang Ford ranger nitong April 24, 2025 ng tanghali kulay orange na May black hood plate no. NHF 3087.

Sa tuwing babagal ang takbo ng mga mamamahayag ay ganu’n din ang raptor at sa twing binilisan nila ay binibili san din nito bagay n Naka a alarma lalo at hindi alam kung sino ang nasa loob ng sasakyan.hen the media vehicle slows down, malinaw na sila ay bumubuntot sa sasakyan.

Matatandaang halos 5 beses nagparoot pa rito sa harapan ng munisipyo galing sa bahay ng kasalukuyang Mayor na re electionist ang nasabing raptor.

Nagsimula sa impormasyon na nagkakabigayan at nagbibilihan na ng boto sa loob ng munisipyo umano kaya bilang responsableng mamamahayag ay nais nilang tiyaking totoo ng impormasyon na iyon

Nagsabi ang source na ang pamimili ng boto ay araw araw at ginaganap ito sa loob ng munisipyo at umano ay 5000 ang bayad isang ulo at ang incumbent re-electionist mayor mismo ang nag aabot ayon sa source na personal umanong ibinibigay sa tao. Pahayag ng Commission on election (COMELEC)’ HOPE (Honest Orderly Peaceful Elections) at kanilang dalangin ngayong kaya nga nai report namin agad sa mga kinaukulan at maimbestigahan ng mga sumusunod

PMaj. Jheneil G. Acuna, acting Chief of Police of DRT kasama ang kanyang agarang tugon sa pamamagitan ng Viber., Ma. Christine G. Portes, DRT Election officer at naiulat rin ito sa Media Security Vanguards na kinabibilangan ng Department of Justice (DOJ), Presidential Communication Office (PCO),

Department of Interior and Local Government (DILG) Philippine National Police (PNP) Commission on Elections (COMELEC) at ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Layunin nitong hindi patakot ang media sa mga naghahari hariang kandidato ngayong eleksyon season para sa ikapapanatag ng mga mamamayan kontra sa mga abusadong pulitikong nais gumawa ng mga paglabag sa Omnibus Election Codes.

ISSUE ON ALLEGED RAMPANT VOTE BUYING IN DRT MEDIA PRACTITIONERS HARASSED