Inirereklamo ng mga mamamayan ng Barangay Sapang Bulak sa Doña Remedios Trinidad Bulacan ang kanilang Local Government Unit dahil hindi raw sila ibinilang sa Tulong Pangkabuhayan para sa ating Disadvantaged/displaced Worker (TUPAD) o ang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa mga naghihimutok na mga residente na nais maibilang sa TUPAD, hindi umano sila ibinilang ng kanilang Punong Bayan dahil umano ang kanilang kapitan ay nababalitang nagbabalak tumakbo bilang Mayor samantalang ang TUPAD ay isang programa ng pambansang gobyerno kaya sinasabi ng mga tao na pinupulitika ang dapat na serbisyo ng pambansang gobyerno na dapat para sa kanila.
Ayon sa Kapitan ng Barangay Sapang Bulac na si Kap. Leobardo Piodozo nagtungo sa kanyang tanggapan ang kanyang mga kabarangay upang ihinga ang kanilang saloobin sa kanilang sitwasyon bagay na tama nga naman dahil ang TUPAD ay programa ng pamahalaang nasyunal na ibinababa lamang sa Local. Government Unit
Habang ginagawa ang article na ito ay kinuha ng pahayagang ito ang panig ng kasalukuyang Mayor ng Bayan ng Donya Remedios Trinidad, Kgg. Ronaldo Tigas Flores sa pamamagitan ng kanyang facebook messenger ngunit hindi pa siya sumasagot, sakaling sumagot sya at ibigay ang kanyang panig, ipo post din namin ito sa website na ito. Nasa ibaba ang screenshot ng aming ginawang mensahe kay Mayor Flores.