

Ika-5 ng Marso, 2021 Bgy. Atlag, Lungsod ng MALOLOS, BULACAN- WOMEN empowerment ay tunay na naipapamalas sa nakaraang aktibidad ng Philippine National Police Malolos (Malolos PNP) sa pangunguna ng kanilang hepe na si PLTCOL Jacquiline P. Puapo kasama ang mga kababaihang miyembro ng pulisya dakong 9:00 ng umaga.
Kaakibat ng tema ngayong taon na “We Make Change for Women” ang kapulisan ng lungsod ay magkasamang pinagdiwang ang National Women’s Month Celebration (NWMC) sa pamamagitan ng isang outreach program kabalikat ang Police Community Affairs and Development Group (PCADG) ng Bulacan Police Provincial Office na ginanap nitong nakaraang March 5, 2021 sa Sitio Spratley Bgy Atlag Malolos Bulacan.
Kasama sa nakibahagi ay sina PLTCOL JACQUILINE P PUAPO, ACOP, 1st Police Mobile Force Company (PMFC) at Lungsod/Munisipyo PS ng unang Distrito, BULACAN PPO lsa pangunguna ni PMAJ ROMEO C DE GUZMAN, Deputy PCADU . Kaalinsabay na rin ang nasabing okasyon para sa PNP CARE (Corona virus Awareness Response and Empowerment) information drive na naglalayong isulong ang health precautionary measures tungo upang maagapan at makontrol ang paglaganap ng COVID 19.
Sa pagdiriwang ngayong taon ginawa ng kapulisan ang kanilang programa sa isang barangay na nasa isang isla sa kabila ng banta ng pandemya, ang nasabing aktibidad ay nagsilbing hamon sa mga kababaihang elemento ng pulisya upang maabot ang mga kababaihan sa nasabing malayong lugar habang suot nila ang kanilang mga face masks at face shields na bahagi na ng bagong normal.
Matatandaan sa kasaysayan ng lalawigan na ang mga “Kababaihan ng Malolos” nuong panahon ng mga Espanyol ay nanguna rin upang isulong ang kanilang karapatan para sa edukasyon sa lipunan na itinuturing silang second class citizens kumpara sa mga kalalakihan.
Ngayon na ang nangunguna bilang hepe ng Malolos PNP ay isang babae, nagkakaroon ng malaking pagbabago sa bahagi ng pagtugon sa kapayapaan at kaayusan, mga malikhain at makataong kaparaanan sa pagtugon sa suliranin ng krimen at pagharap sa mga ipinatutupad na alituntunin ngayong pandemya sa lungsod at dahil sa umiiral na batas ukol sa Gender and Development (GAD) maaring masabi na tunay na pinahahalagahan na nga ng lipunan ang ambag ng mga kababaihan sa nation building at inclusive growth.
Sa pamamagitan ng mga larawang buhat sa facebook account ni Ms. Marizze B. Gepana kasama ang mga detalye mula sa Malolos PNP.
Mj Olvina-Balaguer DZMJ Online, Makabuluhang Jornalismo your happiness channel +639053611058 maryjaneolvina@gmail.com and konekted@dzmjonline.net
