PORTAL NA MAGSUSULONG NG PAGKILALA SA MGA KATUTUBO ILULUNSAD

Layunin ay tunay na makilala ang pinagmulan ng mga Pilipino, ang tunay na pagkakakilanlan, ang mga Dumagat na isa sa mga grupong una na sibilisado at tunay na kumikilala sa kasaysayan.

Mga representante ng tribong Dumagat,-Remontado na si Qayyum Sampole “Leo” Carreon, representante ng mga artista at mag aawit, mga nasa sining biswal at ang mga nanguna sa nasabing maliit na pulong balitaan ay sina Baron Rjhay E Laurea, Kiwanis Club of QC Golden Hearts Jewels, Quezon City Councilor Dorothy “Doray” Delarmente committee on cultural communities at religious affairs

Sa kabila ng pagiging payak ang nasabing aktibidad, itinuturing na napapanahong balita ng pahayagang ito ang mga kaganapan sa lipunan ng ating mga katutubo, lalo at higit sa mga Dumagat na bahagi ng lipunang Bulakenyo, malaki ang kanilang bilang sa mga bayan ng Doña Remedios Trinidad, San Miguel, Norzagaray at Angat.

Habang kabilang naman sa adbokasiya kapwa ng pahayagang ito (www.diaryongtagalog.net) at ng kapatid na publikasyon, ang www.dzmjonline.net ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas pati ang ating orihinal na katutubong musika.

Kaya nga isang pagbati sa napipintong paglunsad ng portal ng kalinangan para sa tunay na pagkilala, pagpapalawak at pag aangat ng Pilipino bilang lahi.