PUNLA NG PAG-ASA, PARA SA LUNTIANG KINABUKASAN

Isang makabuluhang hakbang para sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng Tree Planting Activity na handog ng Damayang Filipino Movement Inc. (DFMI), sa pangunguna ng ating Chairperson na si Athenie Fernando Ramirez Bautista, kasama ang mga volunteer mula sa Bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan.

Ang bawat punlang ating itinatanim ay simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahal sa ating Inang Kalikasan. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, nakatutulong tayo sa pagsipsip ng tubig-ulan, pagpigil sa pagguho ng lupa, at pagbabawas ng panganib ng pagbaha sa ating mga komunidad.

Patuloy nating pangalagaan at protektahan ang kalikasan para sa mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang kinabukasan ng susunod na henerasyon.Damayang Filipino Movement Inc. — Sama-sama sa pagkilos, sama-sama para sa kalikasan!

Isang maka kalikasang hakbang ang pagpapayabong sa ating mga kagubatan lalo ang pagtatanim ng maraming punongkahoy bilang pangmatagalang solusyon hindi lamang sa pagbabago ng klima kundi sa madalas na pagbuhos ng ulan, ang mga naitatanim na punongkahoy ang nagsisilbing harang sa mga tubig na bababa mula sa mga kabundukan patungo sa kapatagan. para sa mga artikulong mula sa lalawigan ng Bulacan i click ang link na ito http://diaryongtagalog.net/bulacan/