
Tunay na ang bisyo ni Senator Bong Go ay Magserbisyo, dahil nitong Ika 5 ng Agosto sa lungsod ng Malolos dito sa lalawigan ng Bulacan ay namigay ang butihing senador ng 50 food packs sa mga Taal na Tagalog na Muslim dito sa lalawigan ng Bulacan kasama ang DZMJ Online.
Ginanap ang relief packs distribution sa Alial Kabab Halal Restaurant sa Bgy Guminhawa lungsod ng Malolos kabalikat din ang pahayagang ito. Ibat ibang Tagalog na Muslim mula sa malayong bahagi ng lungsod at sa labas ng Bulacan ang nakibahagi at tumanggap ng food pack na May nilalang mga instant noodles, bigas, corned beef in can, tuna in can, baller, orange, basketball, baller at folding fan at beef loaf.

Ang gift giving na ito ay pinangunahan ng DZMJ Online at ng pahayagang ito bunsod ng hinaing ng mga Tagalog na Muslim na hindi naabutan ng ayuda sa kabila ng nakaraang pananalasa ng tatlong nakaraang mga bagyo ( cruising ,Dante at Emong) at ng Habagat na nagdulot ng pagbaha mula tuhod hanggang lagpas tao sa kani- kanilang mga kabahayan at rights of way.















Nagpapasalamat ang 50 katao na magre-representa ng 50 pamilyang Muslim na Tagalog na ang iba ay malimit o talagang hindi nakakakuha ng ayuda lalo na nitong nagdaang pagbaha.


Para sa transparency at accountability Makikita ang listahan ng mga nakatanggap ng ayuda ng ating butihing senador.
