Dahil sa pagputok ng Bulkang Taal
SYUTING NG PELIKULANG GEN. MALVAR ILILIPAT SA BULACAN
Dahilan sa hindi inaasahang trahedyang naganap sa lalawwigan ng Batangas kung saan karamihan ng mga eksena sa pelikulang Gen. Malvar ay ginawa, hindi na naiwasang lumipat ng lokasyon ang mga prodyuser nito at kanila ngang napiling pagdausan ng mga susunod na mga eksena ay ang lalawigan ng Bulacan.
Ito ang naging tema ng pagbisita ng mga prodyuser ng pelikula sa lalawigan ng Bulacan partikular sa kapitolyo, lungsod ng Malolos, sa tanggapan ni Pangalawang Punong Lalawigan Wilhelmino M. Sy-Alvarado upang talakayin ang gagawing pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang mga plano ng produksyon sa ikagaganda ng pelikula.
Namangha rin ang grupo dahil sa mga ibinahaging kaalaman sa kasaysayan ng Pangalawang punong lalawigan na ayon sa kanila ay hindi nila natutunan sa mga aklat ng kasaysayang itinuro sa paaralan.
Ayon kay Sy-Alvarado, mayaman ang lalawigan ng Bulacan sa kasaysayan bukod sa karamihan ng mga itinuturing na bayani ng bayan ay Bulakenyo o may kaugnayan sa Bulacan.
Nakatakdang mag shoot ang Gen. Malvar Movie sa mga bayan ng Plaridel at pandi at iba pang makasaysayang lugar sa Bulacan na naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas maging nuong himagsikan o ng rebolusyon, Kastila at Amerikano.///Michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-