DANGAL BANTAYOG NG KATATAGAN Hall of Fame of Disaster Resilience Champions

sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2025, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council, Office of Civil Defence at Department of National Defense ay bibigyan ng parangal sa 2ng OCD RESCUELYMPICS ang mga DANGAL BANTAYOG NG KATATAGAN Hall of Fame of Disaster Resilience Champions mula sa ibat ibang rehiyon ng bansa.

kabilang sa mga dumalo at nakibahagi sa makabuluhan at mahalagang okasyong ito ay sina Director Ceasar N Ganito JR Partnership Collaboration and Engagement Service sa pangunang pagbati kasunod si ASec Cesar m Idio CESO V, Civil Defense Deputy Administrator for Operation.

pagkakaloob ng mga awards sa 2nd OCD RESCUELYMPICS 2025 awardees. Team Calabarzon 5th runner up, the north sector 4th runner up, Team Central Luzon 3rd Runner up, The West Sector 2nd Runner up, the East Sector Best Technical Rescue Award 1st Runner up at ang nag champion ay ang Team South Sector.

tunay na nakita ang dedikasyon at malasakit sa nasabing mga rescuer at laan nila ang kanilang mga buhay para sa pagtulong sa gitna ng disaster. Matatandaang ayon sa DOST PAGASA tinatayang humigit kumulang 20 bagyo ang dumadalaw sa bansa kay natutunan natin ang kultura ng paghahanda para maiwasan ang malalang disgrasya at kamatayan.