

Ginaganap ngayon ang stakeholders forum tungkol sa mga priority bills ng MARINA na May kaugnayan sa ship registry anila napapanahon nang magkaroon ng maraming barko na nagdadala ng bandila ng Pilipinas.
Sa temang isang layag sa bagong Pilipinas isinusulong nila ang Philippine International Ship Registration Bill at Philippine International Shipping Fiscal Incentives Bill layunin ay Sailing towards a stronger Maritime Nation.
Sakaling maipasa ang dalawang batas ay Maring makalikha ito ng mga bagong mamumuhunan sa lokal o dayuhang shipowner, pagkakaroon ng mga bago at greener fleet na papasa sa mga pandaigdigang pamantayan, pagkakaroon ng maraming trabaho para sa Pilipino at paglaki ng industriya ng maritime.
pagkakaroon ng makabago at digital registry sa ilalim ng Marina para sa mabilis at transparent na serbisyo t accessible kahit anong oras at pagkilala pandaigdigan bilang napaka competitive at iginagalang na bandila ng isang bansa.

kabilang sa mga nanguna sa nasabing forum ay sina Marina Administrator Sonia B Malaluan, ENGR Emmanuel B Carpio OIC Deputy Administrator for Operation, Deputy Administrator for Planning Nenita A Atienza at ENGR Ramon C Hernandez Director of the Office of Overseas Shipping Service.
Ang Pilipinas at isang maritime nation at no. 1 seafaring nation kaya kailangan natin itong ipagpatuloy dahil bahagi ito ng ating lipunan at kasaysayan bukod sa kabuhayang nagdadala ng pag asenso lalo sa kanayunan.

