Palitan ng OIC sa DILG naganap kahapon

 

BUKAS palad na tinanggap ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government ang pagkakatalaga ng kanilang bagong Officer In Charge na si Undersecretary Eduardo S. Ano kasabay ng pagpapa alam ng kanilang kasalukuyang OIC na si Usec. Catalino S. Cuy sa Send Off and Turn Over Ceremony na ginanap kahapon january 9 2017 sa punong tanggapan ng DILG sa Lungsod Quezon.

Maitatalaga si Cuy sa Dangerous Drugs Board bilang Chairperson upang ipagpatuloy ang kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga at inaasahang magiging epektibo din ang kanyang pamumuno sa DDB gaya ng sa DILG.

Todo suporta naman ang mga kawani ng kagawaran sa bagong talagang pinuno gayundin ang ipinamalas na pagmamahal at pagpapaalam sa lilipat nang dating namuno ng 18 mos. Sa kagawaran.

Kabilang sa mga maipagmamalaking accomplishments ni Cuy ay ang pag secure sa mga delegado ng ASEAN nitong nakaraang taon at ang maayos na pagdiriwang ng bagong taon kung saan kaunti lamang ang napinsala ng paputok, pagsususpindi at pagsampa ng kaso sa mga tiwaling LGU at paglilinis sa hanay ng PNP.///Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net