”TD ISANG” PINABAHA ANG MGA MABABANG LUGAR SA NCR & NORTHERN LUZON, CARBON FOOTPRINT TINALAKAY SA DOST MIMAROPA 2017 RSTW AT EPEKTO NG PAGBABAGO NG KLIMA SA PANGISDAAN KASAMA ANG SEAFDEC

”TD ISANG” PINABAHA ANG MGA MABABANG LUGAR SA NCR & NORTHERN LUZON

Metro Manila,PILIPINAS-PINABAHA ng tropical depression “Isang” ang maraming lugar sa kalakhang Maynila hanggang sa Northern Luzon kung kayat napilitang isuspindi ang mga klase sa paaralan sa mga lalawigang nadaanan.

Sa kabila ng mga binaha ang ilang bahagi ng CAMANAVA at eastern Metro Manila na halos malapit na sa Rizal kanilang umaga rin ay napakabigat nang daloy ng trapiko sa major road networks ng NCR gaya ng EDSA. Sa ginanap na pulong balitaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ipinaliwanang nilang sakaling lumakas talaga ang bagyong Isang at lumakas ang pagbuhos ang ulan na nangyari nga bunga ng kabi-kabilang pagbaha hindi lang sa NCR kasama sa mga lugar na tatamaan o tinamaan na ay ang Batanes group of Islands sa dulong bahagi ng bansa at kasama sa dadaanan ay ang Batangas, Cavite, Bataan at Zambales hanggang tuluyan an itong lumabas sa west Philippine sea.

Dala din ng bagyo ang hanging habagat na lubhang nagpalakas dito na naging dahilan ng ilang mga pulo-pulo atdagliang pag ulan ng malakas sa malaking bahagi ng northern luzon ngunit dama rin si Isang sa kabisayaan at ilang bahagi ng mindanao ayon sa mga feedback na nakuha ng www.diaryongtagalog.net ///michael balaguer,09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net 

-30-

CARBON FOOTPRINT TINALAKAY SA DOST MIMAROPA 2017 RSTW

Romblon, PILIPINAS-PAGBABAWAS ng sinasabing carbon footprint at mga inisyatibong kaugnay nito para ng isang mitigation at adaptation program kontra pagbabago ng klima ang tinalakay  kasama si Mr. Anthony Yap, ang Chair ng Benita and carolino Yapo Foundation na inihatid naman ni Noreen Bautista.

Nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement ang DOST MIMAROPA at ang Benita and Catalino Yap Foundation. Ang mga programa at proyekto ng foundation ay pagkakaloob ng mga parangal sa mga natatanging mga indibidwal o grupo na may mahalagang nai ambag sa lipunan lalo sa mga gawaing maka kalikasan o mga aktibidad na makakabawas ng carbon footprint.

Ayon sa mga siyentista na masusing pinag aaralan ang nagbabagong klima at mga epekto nito sa tao, totoong nagbabago

At ang nararapat na gawin ng mga tao ay mag adapt upang mabawasan ang masamang epekto nito gaya ng mga kalamidad, going green or environmental consciousness at paggawa ng mga aktibidad na hindi makakasira bagkus ay makakatulong upang mapangalagaan ang kalikasan.

Kabilang rin ay ang disaster mitigation and adaptation, sa kapuluang gaya ng MIMAROPA ay samut-saring scenario ang maaring iwasan o makapag adapt sakaling dumating ang hindi inaasahan gaya ng mga epekto ng bagyo na daluyong, pagguho ng lupa, tag tuyot at pagbaha di kaya at sa malakas na pagyanig.///michael n balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net  

-30-

EPEKTO NG PAGBABAGO NG KLIMA SA PANGISDAAN KASAMA ANG SEAFDEC

MIMAROPA, PILIPINAS-Samantalang, ang South East Asian Fisheries Research and Development Center o SEAFDEC ay nagkaloob rin ng kanilang presentasyon ukol sa mga epekto ng pagbabago ng klima sa sektor pangisdaan at marina kung saan kanilang pinag aaralan at sinasaliksik.

Sa isang bansang gaya ng Pilipinas na maituturing na may pinakamahabang coastline sa mundo, isang bansang kapuluan, o maritime nation ay pangisdaan ang pangunahing kabuhayan ng maraming mamamayan sa mga baybayinng dagat pati ang mga produktong kaugnay nito.

Ito ang dahilan upang magtungo sa RSTW2017 ng DOST MIMAROPA ang SEAFDEC upang bigyan ng mga mahalagang impormasyon at karunungan ang mga mamamayan sa mga makabagong kaparaanan sa pangisdaan at ang pag aalaga ng ating mga natural na yamang tubig ya ng Ilog, dagat, karagatan at mga lawa na ginagawang kabuhayan ng maraming Filipino.

Sa pagbabago ng klima kung saan ang libel ng karagatan ay umaangat, lumulubog ang ilang maliliit na pulo para magbigay daan sa mga bagong umaangat kailangan  ng sapat na karunungan sa pangangalaga ng ating yamang tubig.

Climate change and its effects on fisheries and agriculture ang inihatid na presentasyon ni Dr. Lourdes Aralar ng SEAFDEC habang ang community based resource enhancment as aclimate strategy for food production and livelihood development ang presentasyong ibinahagi ni Dr. NerissaSalayo.

Hindi dahil nagbago ang klima o patuloy itong nag iiba ay kailangan nang maapektuhan ang kabuhayan ng mga umaasa sa biyaya ng kalikasan gaya ng yamang tubig kaya isang mahalagang aral at pagtuturo ukol sa kabuhayan ang mahalagang naibahagi ng SEAFDEC para sa isang resilient MIMAROPA.///michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net