Cacao, Gona, Tahong at Hipon sa PCAARRD T2P 2018; Kabataang titser Makata ng taon 2018 at Mozambique Chamber of Commerce President signed a MOA with PCCI

Cacao, Gona, Tahong at Hipon sa PCAARRD T2P 2018

April 8, 2018- sa punong tanggapan ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology kamakailan ay muli na naman silang nag imbita para sa kanilang Technology to People forum kung saan ang kanilang inilahad ay ukol sa pagtatanim ng cacao at rubber tree, tahong at hipon. pinangunahan ni Deputy Director Dr. Edwin Villar ang forum kung saan tatlong resouce person ang kanilang bisita na kapwa tinalakay ang tungkol sa tatlong teknolohiya na may malaking maitutulong sa kabuhayan ng kanayunan.

Kabilang sa mga naglahad ng kanilang teknolohiya at pananaliksik ay sina Dr. Nathaniel C. Bantayan, professor, Forest Resources management, Institute of Renewable Natural Resources, College of forestry and Natural Resources, University of the Philippines Los Banos. ayon sa kanya, malaki ang potensyal sa pagtatanim ng goma at cacao sa bansa dahil maari tayong pagkunan ng mga raw materials.

Ang goma o rubber tree na dati ay itinatanim lamang sa Mindanao partikular sa mga isla ng Basilan Sulu at Tawi-tawi ay maari na ring itanim ngayon sa Luzon at Visayas at marami na ding nagtatanim nito sa hilagang Luzon. Ang pamagat ng kanyang presentasyon ay GIS based inventory and sustainable assessment of rubber(hevea brasilensis) and cacao (theobromacacao) in major production areas of the Philippines.

Sa pamamagitan ng kanilang teknolohiya ay maaring malaman sa pamamagitan ng mapa kung alin ang mainam na tamnan ng cacao at goma kahit saan lugar sa Pilipinas. Ang sumunod na naglahad ng kanyang teknolohiya ay si Dr Carlos C. Baylon ng DOST PCAARRD Project leader sa mussels R&D program leader and Professor sa University of the Philippines Visayas na ipinaliwanag ang tungkol sa long line culture of mussels o tahong na isang makabagong konsepto

at ang panghuli ay ang tungkol sa Detection Kit for early mortality syndrome of shrimps na inilahad ni Dr. Mary Beth B. Maningas, Project leader ng PCAARRD DOST pathology and molecular detection of acute hepatopancreatic necrosis disease causing bacteria in the Philippines, Department of Biological Science University of Santo Tomas.

nagsilbing guro ng palatuntunan si Ms. Marita A. Carlos na director ng Applied Communication Division at nagbigay ng kanyang huling pananalita si Dr. Reynaldo Ebora, ang Acting Executive Director ng PCAARRD. mula sa mga larawan at video ni Michael Balaguer (MJ Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina_balaguer@diaryongtagalog.net)

KABATAANG TITSER MAKATA NANG TAONG 2018

TINANGHAL na Makata ng Taon 2018 ang isang guro buhat sa Ateneo de Manila University para sa tulang “Sapagkat Pag-ibig ang Tuod sa Pinakamahabang Bugtong sa Kasaysayan.” kinilala ang titser na si Christian Jil R. Benitez.

“Nagsusulat ako ng mga tula na may malayang taludturan ngunit naging hámon sa akin ang magsulat ng tula na may tugma at sukat. Nakatulong sa akin ang lektura ng dati kong propesor sa Ateneo na si Dr. Edgar Samar hinggil sa pagsulat ng tula na may antas tudlikan ang tugmaan.” ayon kay Benitez.

Bukod sa paghirang na Makata ng Taon 2018, tatanggap rin siya ng PHP30,000.00 at tropeo mula sa KWF. Tatanggap naman sina Aldrin P. Pentero ng PHP20,000.00 para sa Ikalawang Gantimpala at Paul Alcoseba Castillo ng PHP15,000.00 para naman sa Ikatlong Gantimpala.

Ang pagkilala kay Benitez ay gaganapin sa Araw ni Balagtas, 2 Abril 2018 sa Orion Elementary School, Bataan. Ang Araw ni Balagtas ang hudyat din sa pagsisimula nang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan.

Si Benitez ay nagtapos ng programang AB-MA Literature (Filipino) sa Pamantasang Ateneo de Manila. Kasalukuyang siyang nagtuturo ng Filipino, Panitikan ng Filipinas, at Kritisismong Pampanitikan Kinilala na rin ang kaniyang mga tula sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature,

Maningning Miclat Poetry Awards, at Loyola School Awards for the Arts. Ang mga hurado ng timpalak ay sina Michael M. Coroza, Louie Jon Agustin Sanchez, at Enrique S. Villasis. Si Michael M. Coroza ay isang makata, Carlos Palanca awardee, at kasalukuyang Tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).

Tatlong beses naman na itinanghal na Makata ng Taon si Louie Jon A. Sanchez. Si Enrique S. Villasis ay limang beses nang nagwagi sa Don Carlos (2011, 2012, 2013) at scriptwriter sa telebisyon

Kabilang sa mga naunang kinilalang Makata ng Taon mula pa noong 1963 ay ang mga ginagalang, premyado, at haligi na ng panitikang Filipino ay sina Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, Bienvenido Lumbera, at Cirilo Bautista

. Kinilala na rin biláng Makata ng Taon sina Ruth Elynia Mabanglo, Rogelio Mangahas, Lamberto Antonio, at Mike Bigornia. ///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

MOZAMBIQUE CHAMBER OF COMMERCE PRESIDENT SIGNED A MOA WITH PH

The Philippine Chamber of Commerce and Industry has signed a Memorandum of Agreement with the Mozambique Chamber of Commerce recently represented by its President held at a hotel in Manila.

Included in the 43rd Philippine Business Conference, Mr. Juliao Dimande, President of the Mozambique Chamber of Commerce. Contents of the MOA are opportunities for both countries to exchange business ties, entice both countries to invest in business, invite members of both chambers to explore new business opportunities in both countries for mutual benefit.

In an interview with Dimande by www.diaryongtagalog.net he’s very happy on the outcome of the signing, in his words he says that this will be the start of a lasting business relationship with the country and Mozambique businessmen who wanted to invest in various sectors also invite Filipino Business for investment and job generation.

Mozambique is an emerging economy and its a proper time for Philippine businesses to expand in that region.

Present in the signing is Mr. Donald Tulcidas, Honorary Consul of the Republic of the Philippines to Mozambique.///with Photos from Mj Balaguer. Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net