
GAGAMITIN ang internet at social media upang maabot ang mga indigenous communities sa bansa at upang mapanatiling buhay ang mga kultura, sining at tradisyon ng mga katutubo, layunin ay makasabay sila sa kasalukuyang antas ng teknolohiya.
Dito umikot ang usapan sa bertwal na pulong balitaang inorganisa ng Pambansang komisyon ng Kultura at mga Sining kamakailan bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Katutubo.
Sa makabagong panahon aminado ang lahat na unti unting nagbabago ang buhay ng mga katutubo, dahilan nito ay maraming bagay katulad ng pangangailangan maghanap buhay at mag aral na nagbubunsod ng paglisan sa komunidad at pagkalimot sa kultura at tradisyon.
Mahalagang buhayin natin ang mga tila nalilimutang kaugalian n gating mga katutubo at isa sa panukala ng mga dalubhasa sa sining at kultura ng NCCA ay ang paggamit ng social media at sa kasagsagan ng 4th Industrial Revolution partikular ang internet of things at block chain tama na malawak ang kanyang maa abot.
Maaring gamitin ang social media at online platforms para sa pangangalakal o trading ng mga likhang sining at para sa edukasyon ngunit ang “Tunay na mundo ay iba sa bertwal na mundo”.
Sa tunay na buhay, maraming lugar sa bansa ang “wala pang serbisyo ng kuryente”, kung walang kuyente walang gadgets dahil “walang magtatayo ng Cell sites” at kung walang mga Telcos wala ring matibay na komunikasyon .
Sagot ng NCCA kailangan ang pakikipagtulungan sa mga network providers at electric companies para solusyunan ang nasabing problema. Para sa kabatiran ng mga mambabasa, sa kasalukuyan, ilang bayan sa Mega Manila (Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal) o Greater Metro Manila Area ay wala pang serbisyo ng kuryente katwiran ng electric companies ay mas malaki ang gastos nila sa pagllagay ng kable kaysa kikitain sa mga magpapakabit ng linya. ///Michael Balaguer, +639262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net
-30-