Pambansang Araw ng mga Katutubo at Pandaigdigang Araw para sa mga Katutubo sa Daigdig Ipinagdiriwang

“Protecting the Rights of Indigenous People’s in Voluntary Isolation and Initial Contact” ang tema ngayong taon 2024 ng National Indigenous Peoples Day (NIPD) and International Day of the World’s Indigenous People’s (IDWIP) na ginanap ngayong August 9 2024 sa Ardenhills Suites Scout Albano Quezon City.

Nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita si Ginoong Mervyn H Espadero ang Executive Director ng National Commission for Indigenous People’s (NCIP) kasunod ang mga mensahe Nina NCIP Chairperson at Commissioner for Central Mindanao Jennifer PIA Sibug-Las, USec Jesus S Domingo MNSA LLM PhD ng Office of the Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs (OUCSCA), mga kinatawan ng Mataas at Mababang Kapulungan ng kongreso.

Sinundan naman ng isang presentasyon ng Family Search International o FSI at isang seremonyal na paglalagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng mga opisyales ng FSI at NCIP nagkaroon din ng paglulunsad ng Hotline ng NCIP ICTD.

Isang presentasyon ukol sa Safeguarding IP Rights through improving FPIC policy on carbon projects na inihatid ni Atty Ed o Moguigod FPIC Benefit Sharing Policy project kung saan sinundan naman ng isang pagtatanghal kultural ng mga katutubong Pilipino.

Sa huli ay inihatid ang pangwakas na pananalita mula kay Commissioner Gaspar Cayat, Ethnographic Commissioner mula sa CAR ( Cordillera Administrative Region) habang ang nagsilbing guro ng palatuntunan ay si Atty Christine Faith Sabella.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng ating mga katutubo sa lipunang Filipino sapagkat sila ang kakikitaan ng ating tunay na pagkakakilanlan kaya marapat silang protektahan at ang kanilang karapatan ay igalang kasabay ng pagmamalaki sa kanilang mga naiambag sa kaunlaran ng lipunang Filipino.///