Nakatakdang hanapin ngayong araw Hunyo 21 2024 ang isang forum na magbibigay kaliwanagan sa marami tungkol sa kahalagahan ng Halal sa buhay ng tao.
Kontra sa paniwala ng iba, hindi lang pang Muslim ang Halal bagkus ito ay mas akma pa sa hindi Muslim dahil sa benepisyong dala nito sa katawan ng tao.
Maraming aspeto ang Halal, bukod sa Pagkain (walang baboy), meron ding Pharmaceutical, turismo, media, cosmetics, construction, agrikultura, bangko, agham atbp.
Mahalaga ang gabay ng mga Ulama o lider pang relihiyon ng Islam sa mga pasikat sikot sa industriya ng Halal dapat na tandaan na ang gawain ito ay bahagi na ng buhay ng Muslim at alinsunod sa Islam.
Pangungunahan ng mga taga National Commission on Muslim Filipino (NCMF), Department of Trade and Industry ( DTI ) at Philippine Chamber of Commerce and Industry ( PCCI) Makati. ///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com
-30-
Bilang kapit bansa at kasama sa pamilya ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) mahalaga ang koneksyon at pagtutulungan, pang kalakalan, edukasyon, agham, industriya atbp sa katiyakan ng tunay, makatao at magkakasamang pag unlad ng rehiyon.
Mga programa ng gobyernong Indones, mga bagong produkto Indones at mga pagtutulungang diplomatiko pati ang paglalatag ng mga dati ng produkto at serbisyong Indones na matagal na sa bansa ngunit iilan lamang ang nakaa alam na mula pala ito sa Indonesia.
Bukod sa komersyo at mga industriyal na ilalatag, tiyak na May mga produktong Halal dahil na rin sa ang Indonesia ang itinuturing na May pinakamalaking populasyon ng Muslim sa mundo.
Dahil ang aktibidad na ito ay pangungunahan ng bansang Indonesia, magkakaroon ng mga bisita mula sa diplomatic corps at maaring dumalo si Indonesia Ambassador to the Philippines H.E Agus Wijojo at kanyang mga kasama buhat sa embahada ng Indonesia.
Mula sa mga detalyeng ipinadala ng embahada ng Indonesia sa pamamagitan ni Avi Hararap sa www.dzmjonline.net ///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com
-30-
Kamakailan ay idinaos ang Halal Tourism and Trade Expo sa Lungsod Quezon at kanilang ipinamalas ang kagandahan ng turismo at kalakalan sa loob ng sektor ng Islam o ng mga Muslim na Pilipino.
Ang turismo ng Halal ang isa ring lumalagong industriya na nagbibigay ng maraming trabaho sa mga tao Muslim man o hindi, ito rin ang nagpapakita ng kagandahan ng kulturang Pilipinong Muslim sa mga dayuhang kapatirang Muslim na bumibisita sa bansa lalo na at mas nakararaming populasyon ay hindi Muslim.
Isang lungsod na lubhang mabait sa Muslim ang lungsod Quezon kaya nagbigay ng kanyang pasasalamat sa sektor si Quezon City Mayor Joy Belmonte Kabilang din sa dumalo ay si Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco, Department of Tourism USec Myra Abubakar, Congressman Mujiv Hataman, Program Manager Aleem Guiapal atpb mga mahalagang tao sa sektor ng Halal.
Ang Halal ay isang billion dollar industry na isa rin sa programa ng Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr sapagka’t kahit na marami sa populasyon ng bansa ay hindi Muslim kailangan din makibahagi ang bansa sa industriya ng Halal dahil sa lumalaking populasyon ng mga Muslim sa bansa.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com