Kinasuhang NCMF Officials nakapaglagak ng piyansa; Paramount Sultan ng Batangas para sa NCMF at Bilang NCMF chief, Pangulo.. Yakan naman para sa pagkakaisa

Kinasuhang NCMF Officials nakapaglagak ng piyansa

 Maynila, Pilipinas-TULUYAN na ngang nakapaglagak ng piyansa ang mga opisyales ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na kinasuhan ng katiwalian ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng pahayagang ito.

Patuloy na makapanunungkulan ang mga opisyales ng ahensyang “nangangalaga sa kapakanan nang mga Filipinong Muslim” sa kabila ng unang motion for bail nila ay na deny.

Sa pakikipagtalastasan ng www.diaryongtagalog.net sa isang mataas na opisyal ng nasabing ahensya at isang Muslim na madikit sa pamunuan ni Secretary Bai Yasmin Bursan Lao, na kilalang kaalyado ng dating administrasyon, sinabi nitong totoo na nuong una ay na denied ang motion to bail ngunit sa ikalawang pagsumite ay naaprubahan din.

Dagdag pa ng source ay nakausap na umano ni Secretary Lao si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nangako itong manunungkulan ang huli hanggang 2018 samantala sa dami ng nakalinyang aplikante para Kalihim ng NCMF maraming pangalan ang sinasabing mga recycled candidates at hindi kwalipikado habang may ilan na mga pangalang halos bago lang sa gobyerno o talagang walang experience sa government service pero matindi ang track record ng pagtulong at pag agapay sa Muslim Community sa bansa.

Sa huli, ang desisyon sa kung sino ang dapat na iupo sa NCMF ay nasa kamay ng Pangulo lamang ngunit dasal ng maraming Muslim Filipinos na sana ang piliin ng Presidente ay bukod sa kwalipikado na ay kayang iangat ang kalagayan ng mga Muslim di lang sa lipunang Kristiyano kundi linisin din ang masamang imaheng ibinabato sa mga ito dahil kung kasaysayan ang huhusga ay marapat na ituwid ang mga maling naitala sa kasaysayan ng bansa kung saan ang masasabing tunay na Filipino ay hindi mga Kristiyano bagkus ay ang mga Filipinong Muslim.///Abdulmalik Bin Ismail/ 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com

-30-

Paramount Sultan ng Batangas para sa NCMF

Pasay City, Pilipinas-Iginagalang at pinagkakatiwalaan ng mga kapatirang Muslim sa lalawigan ng Batangas itong si Coyogan Bansao na itinalagang Paramount Sultan ng nasabing lalawigan at siyang nanunungkulan ngayon bilang Chairman ng Muslim Council sa kanilang probinsya.

Sa napakaraming aspirante na nagnanais maging kalihim ng National Commission on Muslim Filipino’s (NCMF) isa si Bansao sa mga lider na may mataas na kredibilidad sa kanyang mga pinamumunuan.

Isa sa mga katangian ng isang mahusay na lider di lamang pang politikal ay ang tunay na malasakit sa kanyang mga nasasakupan at ang  pagsulong sa kapakanan ng kapatiran bago ang sarili.

“nuong binigyan ako ng pagkakataon ng aming Gobernador (Batangas Governor Hermilando Mandanas) na bigyan ng puwesto ang mga kapatiran na magtinda sa bazaar, inuna ko yung mga talagang may pangangailangan at hindi ko binigyan ng puwesto ang mga kamag anak ko” paliwanang ni Bansao sa panayam ng www.diaryongtagalog.net

Isang matagumpay na negosyante si Bansao na bagaman maraming nakakasalamuhang nasa politika, maging kristiyano man o Muslim ay hindi man lamang nakakuha ng pwesto sa pulitika sakali ay ang pagiging NCMF Secretary lamang na kanyang gusto di dahil sa personal na pagnanais o interes kundi para sa kapakanan ng Muslim Filipinos sa pangkalahatan.

Nais niyang wakasan ang kahirapan ng mga Muslim at mabigyan ng kabuhayan ang mga ito, mabawasan ng bahagya ang halaga ng ginugugol para sa taunang Haj sa Mecca at makatulong sa pagsugpo sa kriminalidad at terorismo bagay na nakakasira sa imahen ng Pilipinong Muslim at ng Islam.///Abdulmalik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com

-30-

Bilang NCMF chief, Pangulo.. Yakan naman para sa pagkakaisa

Quezon City, Pilipinas- Sa layuning tunay na pagkakaisa sa pagitan ng lahat ng mga tribung Muslim maging sa Mindanao man o sa buong bansa, ninais niyang subuking mlumahok at magsumite ng aplikasyon bilang kalihim ng ahensyang namamahala sa kapakanan ng mga Filipinong Muslim sa bansa, ang NCMF.

Abala ang negosyanteng si Yusoph mando sa ibat ibang organisasyong makakatulong para mapag isa ang mga Muslim sa bansa, bilang Yakan, sa pananaw niya ay napapanahon na, na siya ang maupo bilang kalihim ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Isang masugid na tagasuporta ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, layunin ni Mando na mapag isa ang mga Muslim at Kristiyano sabay pagsulong sa itinutulak ng gobyernong Pederalismo para sa tunay na kapayapaan lalo sa Mindanao.

Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa kanya kamakailan bago ang kanyang ikinakasang malaking peace rally, sinabi niyang karamihan ng nauupo bilang kalihim ng NCMF ay kundi Tausug at Maranao, dahil dito ay wala nang pagkakataong makapag lingkod ang mga ibang tribo kahit may mga adbokasiya pa o magandang programa ang mga ito. May mga nakatakda rin siyang plano at programa para sa dumaraming bilang ng mga Balik Islam at kung paano malilinis ang pangalan ng Muslim na laging idinidikit sa terorismo at krimen.

Ayon pa kay Mando, hiling at dalangin niya sa Allah na sa pagkakataong ito, sa dami ng mga naghahangad na maupo bilang kalihim ng NCMF nawa ang italaga ng Pangulo ay isang Yakan naman, di niya sinasabing dapat siya ang italaga ngunit ito ay desisyong ang Pangulo na lang ang nakaka alam.///Abdulmalik bin Ismail ,09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com