Limang Produktong “Halal” ng CDO, Napatunayang “Haram” ng Agham

Five “HALAL” Products from CDO which Science found “HARAM”

Nitong nakaraang March 10 ng taong ito (2023) ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Commissioner Yusoph J. Mando ay nag isyu ng isang public advisory sa mga kapatirang Muslim sa buong bansa na patuloy na kumakain ng mga pagkaing sa matagal na panahon ay inakala nilang Halal ngunit napatunayan ng mga maka agham na pananaliksik na ang mga ito ay Haram.

Itoy bunsod ng pagtutulungan ng Department of Science and Technology (DOST) Region 4A kung saan ang mga ito ay nagsagawa ng mga qualitative examinations sa mga mainstream process meat products na nabibili sa lokal na palengke at madaling maabot ng lahat ng mamamayan at ang naging resulta nga ng kanilang laboratory test conducted sa mga blind samples ipinakita na may lima (5) sa limamput isang (51) produktong nagtataglay ng logo ng Halal ay kontaminado ng porcine (baboy) o mga derivatives nito.

Ang nasabing mga produkto ay ang mga sumusunod : 1. CDO Chicken Franks; 2. Holiday Chicken Hotdog; 3: CDO Ulam Burger; 4. CDO Crrispy Chicken Burger and 5. CDO Chicken Flakes. dagdag pa ng komisyon na ang Halal Certifier din ng nasabing mga produkto ay hindi accredited ng NCMF kaya binabalaan nila ang mga kapatirang Muslim na mag ingat dahil hindi lang para sa pananampalatayang Islam ang Halal kundi ito ay bahagi ng pang araw araw na buhay ng isang Muslim.

Agad rin namang sumagot ang CDO Foodsphere, ang manufacturer ng mga contested na mga produkto at batay sa kanilang pahayag ay pinabulaanan nila na ang limang mga produkto ay Haram at ayon pa sa kanila ang mga ito ay tuwirang nakasunod sa mga alituntunin ng Sharia Law kaya ligtas itong kainin ng mga Muslim dagdag pa nila ay huwag umano maniwala sa mga sabi-sabi at maling impormasyon dahil tunay na mga Halal ang kanilang mga produkto.

Kung ang hinahanap natin ay katotohanan, totoong maraming maling impormasyon sa internet lalo sa facebook dahil ito sa pagkalat ng fake news ngunit kung ang impormasyon na ating tinutukoy ay patungkol sa Halal at sa Relihiyong Islam sa pangkalahatan at magmumula mismo sa tagapagsalita ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), ang ahensya ng gobyernong may mandato na pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipinong Muslim, kabalikat pa ang Department of Science and Technology (DOST), na masasabi nating otoridad at may mandato ng gobyerno sa mga bagay ukol sa agham, teknolohiya at inobasyon kung saan ang kanilang kasalukuyang teknolohiya ay kayang makita ang pagkakaroon ng DNA ng baboy sa mga consumer products bago ito sertipikahan bilang Halal, ang mga Muslims na lang ay kailangang matimtimang manalangin kay Allah at maging maingat palagi sa ating mga kinakaing natin.

///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net