BuCor Mosque at the NBP Controlled by Non-Muslim
Ang mga Masjid ay isang sagradong lugar sa pananampalatayang Islam at ito ay hindi pag aari ng sinuman kundi ng lahat ng mga Muslim kaya nga ang mga namumuno o namamahala sa mga ito ay tinatawag naming mga ‘Alim, Ustadz, Shayk o kaya ay Imam”, ang mga taong ito ay ang mga responsable sa mga kapatid na nagdarasal sa loob ngmasjid.
Iyan ang kalagayan sa tunay na buhay ngunit hindi sa Bureau of Corrections- New Bilibid Prison sa Muntinlupa kung saan ayon sa aming source ang mga tao umano na namamahala at komukontrol sa masjid o bahay sambahan ng mga Muslim ay ni hindi nananalangin o nagdarasal o hindi mga Muslim at umano ang nasabing mga kriminal ay taga suporta pa ng mga Ampatuans.
Tinatawag ng mga ito ang sarili nilang “Batang Mindanao” ngunit alam naman natin na hindi lahat ng mga taga Mindanao ay Muslim at ang mga ito ay hindi nga. Ayon sa aming source na isang Muslim at maalam sa kalakaran sa loob ng bilibid tanging Islam lamang ang relihiyon na walang volunteer chaplain sa halip ang bahay sambahan nito ay kinukontol ng hindi nito ka relihiyon kundi mga itinuturing na “pangkat” kumander.
Humingi ng tulong sa publikasyong ito ang aming source pati na rin sa kasalukuyang Bureau of Correction Director General Gregorio Pio Catapang Jr pati na rin sa National Commission on Muslim Filipinos and communications at ang mga ksulat paghingi ng tulong ay naiabot na sakani kanilang tanggapan. kasama sa akdang ito ay ang sulat ng source sa publikasyon at ng NCMF sa Bucor.
Sa lahat ng mga pananampalataya o relihiyon napaka halaga ang ginagampanan ng mga bahay sambahan ito ang dahilan kung bakit ang mga Muslim na Persons Deprived of Liberty sa New Bilibid Prison ay nagkaisa at nagtulungan sa kabila ng ibat iba nilang mga tribo upang itayo at iayos ang masjid upang may lugar silang dasalan at makasunod sa utos ng Allah sa Islam. alam natin na ang Islam ay pananampalataya ng kapayapaan kaya nga dapat ang mga namamahala at kumukontrol sa mga bahay sambahan nito ay mga taong madasalin ay yaong mga Muslim (followers of islam) at hindi yaong mga nagpapanggap lamang na mga Muslim dahil sila ay mga taga “Mindanao” na sinasabing Bangsamoro homelend ngunit ang katotohanan nga ay hindi naman lahat ng taga Mindanao ay Muslim.
///Abdul Malik Bin Ismail, 09262261791, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net