SUPORTADO ng dating administrasyon ng Blue Mosque and Cultural Center (BMCC) sa Maharlika Village, Taguig City ang dati nilang Administrador na si Jadjurie H. Arasa sa kabila ng malisyoso at hindi tamang akusasyon ng kalihim ng NCMF dito.
Ayon sa umano ay gawa-gawang akusasyon nina NCMF Sec. Saidamen Pangarungan,Director Jun Dato Ramos at Ali Macabalang talamak raw ang bentahan ng shabu sa masjid.
Pinabulaanan ito ng mga dating lider relihiyon sapagkat nai single out dito ang mga kabataang Tausug na syang laging nasa masjid.
Ayon pa sa kanila, isang iresponsableng pahayag ang isinulat ni Macabalang kung saan inaakusahang walang nagawa si Arasa sa isyu ng mga nagbebenta ng droga sa loob umano ng masjid na gawa-gawa lamang ng NCMF.
Sa halip umano na maging unifying factor parasa mg Muslim ang NCMF sa pangunguna ni Sec. Pangarungan ay pinaghihiwa hiwalay pa nito ang mga Muslim sa pamamagitan ng tsismis at tribalismo.
Ayon pa sa mga religious leaders dapat nga umano ay nagpapasalamat sila kina Sulu Governor Abdusakur Tan at ang Sali Nudjang Foundation na siyang tumutulong sa Hajj at sa Blue Mosque nuon bilang kanilang mga Sadaka.
Kaya nananawagan sina Dr. Abdurahman Amin at Grand Imam Sheikh Abdulrafih sayedi na maipahatid sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyayari sa Blue Mosque lalo ngayong malapit na ang Ramadhan.
Ipinauunawa ng mga lider relihiyon na muslim na ito ay “hindi” labanan ng mga “tribo” kundi isang laban ng “tama kontra mali”///abdul malik bin ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com