NCMF may bago ng itinalagang Kalihim, Mr and Ms Philippine Eagles ipinakilala

Ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipinong Muslim ay may bago ng Kalihim na itinalaga ngayong Ika 27 ng Marso 2024.

Ang bagong talagang si NCMF Secretary Sheikh Sabuddin N. Abdurahim ay buhat sa tribung Sama na taal sa lalawigan ng Tawi-Tawi. Siyay nanumpa sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin sa Malacanang at naroon bilang mga saksi sina Governor Yshmael “Mang” I. Sali ng Tawi-Tawi, Asec. Al Mohammad, Asec. Ria Danielle Lumapas, Tawi-Tawi Provincial PESO Manager Mr. Francis Marcial, at ang maybahay ng kalihim na si Gng Dewy Sabuddin na isang barangay Chairwoman.

Si Secretary Sabuddin ay ang unang kalihim ng NCMF na mula sa Tawi-Tawi, unang nakarating sa bansa ang Islam at siya rin ay inindorso ng anim na mga gobernador ng BARMM Governors na umaasang mapapatatag niya ang mandato at serbisyo ng NCMF.

Ang National Commission on Muslim Filipinos-Region 10, Bangsamoro Government, Tawi-Tawi Provincial Government, Vice Governor Al-syed A. Sali ng Tawi-Tawi at Masjid Raayat Tawi-Tawi. mga larawan buhat sa opisyal na facebook page ni Tawi-tawi Governor Ysmael Mang I Sali.

Ang pamunuan ng Islamic council of the City of Malolos/ City of Malolos Muslim Consultative Council ay taos pusong bumabati sa bagong talagang kalihim Sheikh Sabuddin N. Abdurahim mula kay Michael Balaguer, Vice Chairman ng ICCM/CMMCC at Mary Jane Balaguer, Secretary ng ICCM/CMMCC ALHAMDULILLAH! MABROOK!///Abdul malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail@gmail.com

-30-