PAGKAKAISA SA KABILA NG PAGKAKAIBA-SHARIFF IBRAHIM ALBANI

UNITY IN DIVERSITY, SABAH, EQUAL JUSTICE-SHARIFF IBRAHIM ALBANI

MAYNILA, PILIPINAS-PAGKAKAISA sa kabila ng pagkakaiba ang pangunahing isinusulong ng tumatakbong Senador na si Shariff Ibrahim Albania yon sa panayam kamakailan ng www.dzmjonline.net sa kanyang tanggapan.

Ayon sa kanya kaya ito ang kanyang pangunahing adbokasiya dahil ang mga Kristiyano ay hiwahiwalay dahil sa mga denominasyon, ang Muslim ay hiwahiwalay dahil sa mga tribo hindi na nagkakaintindihan.

Pati ang pulitika, may dalawang malalaking partido, ang oposisyon at administrasyon kapwa hindi rin magkaisa, may multi party system kaya sa kabuuan ang Pilipinas ay hindi nagkakaisa at watak-watak.

Ayon sa kanya kailangan niyang pangunahan ang pagkakaisa sa kabila ng pagkaka-watak watak ng Pilipino. Panawagan rin niya na ang pag aangkin sa sabah ay mapag usapan. Ikatlo ay walang hustisya at pagkaka pantay pantay sa bahagi ng representasyon. Walang senador ang Mindanao, dapat umano walong senador sa Luzon, walo sa visayas at walo sa Mindanao.

Ang kabuuang istorya ay matatagpuan sa video mula sa www.dzmjonline.net ///abdul malik bin ismail, 09262261791, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net

-xxx-