CLMA news: Mango R&D ng Zambales suportado ng PCAARRD-DOST; DPWH 117th taong pagkakatatag at Philippine Halal Assembly International Conference pinangunahan ng DOST

clma 6

 

 

 

Suportado ng Philppine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (PCAARD-DOST) ang mga proyekto ungkol sa Mango Research and Development ng Ramon Magsaysay Technological University sa Iba, Zambales batay sa panayam ng www.diaryongtagalog.net   sa Pangulo nito kamakailan.

Ayon kay Dr. Cornelio C. Garcia, University President ng Ramon Magsaysay Technological University kasabay ng 6th Directorate Meeting ng Central Luzon Media Association (CLMA) na pinangunahan ng Zambales Chapter concentrated ang PCAARRD sa isang produkto lang kada lalawigan upang maging matatag at magtagumpay ang proyekto.

clma 1

 

 

 

Kilala ang Zambales sa kanilang matamis na manga at pinagtuonan ng pasin ito ng masusing pagsasaliksik at pag aaral upang lalong mapag ibayo pa angnasabing produkto. Ang Central Luzon Media Association ay maituturing na isa sa pinakamatatag na media organization sa bansa na may mga chapters sa anim na lalawigan ng Gitnang Luzon kabilang ang Aurora, Bataan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales at Bulacan kung saan miymbro ang www.diaryongtagalog.net  sa pangunguna ng Proprietor at Web Administrator nito na si Michael Balaguer, Bulacan Chapter President at www.diaryongtagalog.net  Publisher at DZRJ 810 Khz AM Broadcaster na si Mary Jane Balaguer, Treasurer na Si Ronald Castro ng Bulacan Bulletin, Bernie Manansala ng CMT Update Newspaper ang Sgt-at-arms ng Chapter, Chona Ventus ng DWAP bilang Auditor at Aida Rubio ng pahayagang Latigo bilang Secretary.

clma 2

 

 

 

 

Ginanap ang CLMA Directorate Meeting nitong June 26-27 2015 sa Iba, Zambales at sa kabila nang hectic schedule ng mga opisyales sa Bulacan na halos 60% ay naka based sa Manila at mga science journalists nagkaloob pa rin ng kanilang buong pagsuporta ang private sector, government institutions at spectral organization sa Bulacan.

Tumulong ang Bulacan Muslim Affairs Consultative Council (BMACC) sa pangunguna ni Chairman and CEO Hadji Yahya Gamor, Baliwag Police Deputy Chief PCInsp Diosdado Paragas Leal at Mrs. Ophelia Dino ng San Rafael Bulacan.///Michael Balaguer

PNOY sa DPWH

 

 

 

Samantala, ipinagdiwang naman ang ika 117th taong pagkakatatag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang punong tanggapan sa Maynila kung saan ang panauhing pandangal ay si Pangulong Benigno S. Aquino III.

May temang DPWH: Sa daang matuwid para sa Dios at Bayan, binigyang parangal ang mga kawani at mga retiradong nagsilbi sa kagawaran sa loob ng 40 taon kabilang sa naggawad ng parangal ay si DPWH Secretary Rogelio Singson.

PNOY at DPWH1

 

 

 

Ipinamalas ang mga nagawa ng kagawaran nitong 2nd quarter ng 2015 ay ang kalidad sa sistema ng pamamahala na binigyang katibayan alinsunod sa pangangailangan ng International Organization for Standardization ISO 9001:2008 Standard.

Ang DPWH ISO 9001:2008 Certification ay kaugnay sa panawagan ng pamunuan ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa mga ahensya ng gobyerno na pag ibayuhin ang pagkakaloob ng serbisyo publiko upang magkaroon ng tiyak na tamang pamamahala at matupad ang mga pagbabagong inaasam tungo sa tuwid na landas.///Michael N. Balaguer

DSC05759

 

“Halal is for everyone regardless of faith” ayon kay DOST region 12 Director Dr. Hadja Sittie Shayma Zenaida P. Hadji Raof Laiden isang malaking merkado ang Halal at mapag iiba ang klima ng negosyo sa mga bansang hindi Muslim.

Mga pasilidad para sa mga laboratory pang Halal ilan sa mga nakalinyang programa ng kagawaran ng agham, nabanggit ni DOST Secretary Mario G. Motejo sa pakikipagtulungan nila sa NCMF sa pamamagitan ni Secretary Yasmin Busran-Lao

“Synergizing Halal through Science and Technology” ang tema ng Philippine Halal Assembly at International Conference, tatlong araw na aktibidad na naglalayong palakasin ang industriya ng Halal sa bansa sa pangunguna ng kagawaran ng agham sa rehiyon 12.

Ang unang bahagi o ang unang araw ay ang paglulunsad ng logo, pinangunahan sa umaga nang pagdating ng mga bisita at pagpapatala ng mga ito kasunod ang pagbasa ng banal na Qur’an ni Ustadz Abdul Jalil, pagdu du’a o pagdarasal na pinangunahan ni Alim Dariday Mimbalawag, Radja Omra sa Maguindanao.

Pagkatapos ng pagkanta ng pambansang awit ng Pilipinas sumunod ang isang multi-media presentation ukol sa mga nagawa at programa ng Department of Science and Technology Region 12 at pagbubukas na pagbati ni Department of Science and Technology Region 12 Regional Director Dr. Hadja Sittie Shayma Zenaida P. Hadji Raof Laidan at ang kanyang pag uulat ukol sa S&T program ng regional office.

Ang kaugnay na istorya ay matatagpuan sa ISLAM page./// Michael. Balaguer