PRINCESS LADY ANN SAHIDULLA TALKS TO MARAWI
ANG gulo sa Marawi City ilang taon na ang nakararaan ay nagkaroon ng kalunos-lunos na epekto hindi lamang sa mga mamamayan ng Lanao del Sur o sa mga Maranaw kundi sa kabuan ng mga pilipinong Muslim sa pangkalahatan.
Tinaguriang nag iisang Islamic City sa bansa, ito ay binomba, sinira at ginawang isang war zone layon marahil ay kontrahin ang ibig ipakahulugan ng Islam.
Kapayapaan, ang mga tao na lumikha ng pagsira sa kaisa isang Islamic City sa Pilipinas ay tunay na nasusuklam sa Islam, dahilan sa ang ibig pakahulugan ng Islam sa wikang Arabic ay kapayapaan at sukdulang ginawa nila ang lahat upang mabahiran ng dugo ang kapayapaan at seguridad sa lugar hanggang sa sirain pati nga panambahan at banal na lugar gaya ng mga masjid.
Ang mga taong naipit ng kaguluhan ay mga simpleng Muslims na isang kahig-isang tuka at mga karaniwang tao, sila yaong, mga nananalangin, nagtatrabaho, nagnenegosyo, lalo ay bihirang makialam sa pulitika ng kanilang lungsod o maging ng kanilang lalawigan o ng Maynila.
Maraming buhay ang nasayang sa mga ginawang paglikas kontra sa mga taong tinatawag na terorista may tangan na dayuhang bandila at ng gobyerno na may mandato na ipagtanggol ang bayan sa mga elementong nais sumira at bumasag sa kapayapaan at kaligayahan ng mamamayan.
Pagkaraang humupa na ang bakbakan ng magkabilang panig, ang mga ahensya ng gobyerno, mga dayuhan at organisasyong pang relihiyon ay ay nagsusulong para muling itayo ang pinadapang simbulo ng Islam sa bahaging iyon ng bansa sa pamamagitan ng mga humanitarian na mga programa at mga proyekto.
Sa kanyang kapasidad, si Senatorial candidate, dating Sulu Vice Governor, Mayor at Congresswoman Princess Nur Ana “Lady Ann” Indanan Sahidullah ay nangakong makikibahagi sa pagtayo at rehabilitasyon ng Marawi city sa layuning mapanumbalik muli ang dati nitong ningning bilang “Islamic City”.
Ayon kay Princess sakaling maihalal bilang Senador ay magsusulong ng mgapanukalang batas upang palakasin ang Department of Housing and urban Development, Department of Trade and Industry at iba pang ahensyang ginagawa ang lahat upang tulungang tumayo muli sa kanyang mga paa ang kaisa isang Islamic City ng Pilipinas.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net