
MULING itinalaga bilang kalihim ng National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) si Secretary Sabuddin Abdurahim sa kanyang ikalawang termino bilang representante ng mga Muslim sa bansa kaugnay nito, pinangunahan din niya ang pagsisimula ng Fasting ngayong banal na buwan nf Ramadam nitong nakaraang February 19 2026.
Nagsilbing Amerol Hajj ngayong taon 2026 at nanguna sa mga forum na magtutulak sa intelektuwalisasyon ng mga kapatirang Muslim gaya ng mga pakikipag ugnayan sa akademya, civil society groups na nagsusulong ng samut-saring adbokasiya kaya ng Halal Development at Climate Change.
Isa rin sya sa naging tagapagsalita sa kauna unahang Istiqbal Ramadan ng mga Muslim sa lalawigan ng Bulacan kamakailan kung saan ilan pang mga Muslim religious leaders ang kanyang nakasama sa nasabing okasyon ng paghahanda sa pagpasok ng Ramadan.



