
SA pulong balitaan na inorganisa ng mga taga suporta ni Kuya Jiboy Cabochan sa kanilang tahanan sa bayan ng San Miguel Bulacan pagkatapos mismo ng pag file nito ng kanyang Certificate of Candidacy sa huling araw Oct. 8 2021;
Tanong ng pahayagang ito sa nakababatang Cabochan kung ano pa ang ibang dahilan kung bakit siya muling sumubok na tumakbo sa pagka alkalde ng bayan sa kabila ng tatlong beses nyang hindi pagwawagi.
Ayon sa kanya, sakaling pinalad siyang magwagi sa kanyang mga nakaraang laban ay maaring naging handa ang bayan ng San Miguel sa maraming bagay gaya ng kinakaharap ngayong pandemya, maari umano niyang mai apply ang mga best practices na ginagawa ng mga ibang bayan sa Bulacan o sa labas ng Bulacan.
Malaki ang respeto niya at paghanga sa Pangulo ng Aksyon Demokratiko ngayon na si Mayor Isko Moreno ng Maynila at wika niya maari niyang i-apply ang mga ginagawa ng lungsod ng Maynila na mga programa at paghahanda sa San Miguel. Ang video ng paliwanag at sagot ni Kuya Jiboy Cabochan ay nasa DZMJ Online.///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-