South Cotabato Choral Unang Kampeon sa KORO

Nasungkit ng ikalawang representante ng Mindanao ang pagiging Unang Kampeon sa nakaraang KORO National Choral Competition na ginanap sa makasaysayang Metropolitan theater kagabi ika 2 ng Agosto 2025 na pinangunahan ng sub commission for music ng National Commission for Culture and the Arts.

Sa maikling pananalita ng dating NCCA Chairperson Prof Felipe del Leon JR., likas sa Pilipino ang pakikipag kapwa kaya hindi kaila sa mundo na umaangat ang galing ng ating lahi sa musika at bilang alagad ng musika wika ni de Leon na sa bahagi ng choral groups ay tayong Pilipino ang dalawang beses na nagwagi.