TRICAP Nakibahagi sa konsultasyon ng NCIP para sa Pormulasyon ng Indigenous Peoples Master Plan 2026–2030

Strengthening Indigenous Peoples’ Voices: From Roots to Rights.”

July 23, 2026- NAKIBAHAGI ang The Tribal Communities Association of the Philippines (TRICAP), Inc. Sa isang Institutional Stakeholder Consultation para sa Formulation ng Indigenous Peoples Master Plan (IPMP) 2026–2030, na ginanap sa Tribute Hotel Quezon City.

Pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa pangunguna ni Secretary Nancy A. Catamco and Office on Policy, planning and Research (OPPR) Bureau Director Catherine Apaling-Gayagay.

Kinatawan ng TRICAP ang kanilang National President, Bo-i Limpayen Jennifer Pia Sibug-Las, mga Board of Trustees mga retiradong kawani ng NCIP, Bae Elta Laurilla at Ms. Fe Oliva na kabilang sa mga nakibahaging Non-Government Organizations, Civil Society Organizatiin (CSOs), Indigenous Peoples organizations (IPOs), Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR), Indigenous Political Structure (IPS),

Dinaluhan din ng mga pambansang kagawaran: DSWD, DEPDEV, DOT, PSA, DILG, NCCA, DEPED, DA, DENR (NGAs),

iba pang kabalikat sa pag unlad, private companies (business sector) at iba pang stakeholders na makakapagbigay ng mga rekomendasyon upang tunay na maging responsive, inclusive, at sustainable ang isang national framework for Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) for 2026-2030

Nakatuon sa mga pagnanais ng mga katutubo sa rehiyon, sa katutubo sa mga lungsod at mga komunidad ang magkakasamang ang lilikhaing plans and roadmap.

Habang nasa konsultasyon nilinaw ng, TRICAP ang kahalagahan ng Indigenous Identity, karapatan sa Ancestral Domains, pagtaya sa tunay na bilang mga mga katutubo, at pagpapalakas sa partisipasyon ng mga katutubo sa pamahalaan sa pamamagitan ng Open Government Partnership (OGP) approach na may transparency, accountability, inclusivity, at innovation.

Isa rin sa mga adbokasiya ng organisasyon ay ang stronger protection of cultural integrity rights, paglaban sa on-line discrimination at mga paglabag sa batas at karahasan ginawa sa loob ng mga ancestral domains, improved dis aggregated data ng mga katutubo,

Mapaigting ang inter-agency collaboration, data interoperability, documentation ng customary laws at mga Indigenous Knowledge Systems, Practices (IKSPs), makatotohanang pakikipagtulungan tungo sa pangmatagalang pag unlad, at tunay na pagkilala sa mga katutubo bilang kapanalig sa pagbuo ng bansa.

Muli ding ipinangako ng TRICAP ang kanilang buong pagsuporta sa matagumpay na implimentasyon ng Indigenous Peoples Master Plan sa pamamagitan ng kanilang pakikipagtulungan sa NCIP, Indigenous communities, civil society organizations, academic institutions, at development partners.

“ang nasabing konsultasyon at tanda ng isa na namang mahalagang hakbang para maging totoo ang magkakasamang hangarin ng isang na ng katutubo sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan at magkaroon ng protektadong mga ancestral domains, preserved cultural heritage, at inclusive development kung saan walang komunidad ng mga katutubo ang maiiwan at lahat ng mga katutubong Filipino ay magkabilang at mapag lingkuran.

Bilang isang all-volunteer national Indigenous Peoples organization, nananatili ang TRICAP na totoo sa kanilang misyon. (Detalye at mga larawan mula sa Facebook account ng TRICAP INC.)