NCCA

 

Der Kaufmann ipapalabas sa CCP, makalipas ng 400 taon pagkakasulat

 

SINONG makakalimot na mag aaral na may subject na literatura  sa romantic comedy sa mga popular na wika tulad ng “hath not a jew’s eye” at “quality of mercy”.  Ito ilan lamang sa mga makapigil hiningang eksena  ng hudyong nagpapautang na gustong maghiganti sa Kristiyanong mangagalakal, sa mga akda at sinulat  ni William Shakespeare  taon 1596 hanggang 1598 isa na rito ang Merchant of Venice o sa  german word na Der Kaufmann na ang ibig sabihin ay ang negosyante.

 

Halos isang buwan mahigit ng preparasyon ang isinagawa ng  TP sa Filipino version ng Der Kaufmann na layuning maging eye opener sa sitwasyon ng mga Filipino tulad ng regionalism na tiyak magkahalang iyak at tawa ng lahat ng manonod nito.

Kabilang ang dating bise alkalde ng Maynila si Lou Veloso na gaganap sa papel na Gobo,Tubal at Duke. Racquel Pareno na anak ng batikang aktress na si Gina Pareno. Dramaturg na si Giselle Garcia, Production Design, co director at sa papel  na Antonio na si Tuxqs Rutaquio. Music & Sound Design na si TJ Ramos, Lights Design na si John Batalla.

 

Masasaksihan na sa Tanghalang Huseng Batute sa Cultural Center of the Philippines sa CCP Complex Roxas Blvd, Pasay City ang “Der Kaufmann” na Pinoy adaptation ni Direk Rody Vera ang  na hango sa  tagalog translation na Ang Negosyante ng Venecia ni Rolando Tinio na mula sa original na bersyon ni William Shakepeare na Merchant of Venice. Nagkakahalaga ng Php. 300.00 sa mga mag aaral at regular na presyo na Php 600.00 at 20% discount ang mga senior citizens, government employee, military employees at mga Person With Diabilities (PWD’s) simula sa Setyembre 27, 2013 at Oktubre 5, 2013 alas 8:00 ng gabi, Oktubre 4 at Oktubre 11,2013 alas 10:00 ng umaga at Setyembre 28, 29, Oktubre 4,6,11,12,13, 2013 na alas 3:00 ng hapon.

Para sa mga interesadong manood  maari kayong magpa reserve ng tiket sa CCP Box Office (02) 8323704 o sa ticketworld outlet na (02) 8919999. (mj balaguer)

 

“the Interdisciplinary mind, is the creative mind” iyan ang mahalagang words of wisdom na ibinahagi ni Prof. Felipe M. de Leon Jr. sa paglulunsad ng commemorative stamp para sa National Artist for Movies na si Gerardo De Leon na ginanap sa punong tanggapan ng National Commission for Culture and the Arts kasama ng Philippine Postal Corporation.

Pinangunahan nina  NCCA Executive Director Emelita V. Almosara, Dr. Miguel Rapatan at PhilPost Chairman Cesar Sarino kasama ang anak ni De Leon na si Liberty Ilagan kabilang ang mga nagsidalong mga bituin sa pinilakang tabing, marami ay mga beterano nang aktor at aktres na nakasama ni Gerry De Leon nuong aktibo pa siya sa pelikula.

kabilang ang aktres na si Anita Linda na nagbida sa kanyang mga matagumpay na pelikula gaya ng Sisa, ang pamangkin niyang si Robert Arevalo at asawang si Barbara Perez, Delia Razon, Gloria Sevilla, Marita Zobel, Luz Valdez at Maria Isabel Lopez, maging ang pamangkin na si Janno Gibbs.

Kabilang sa nagbigay ng madamdaming talumpati ay si National Artist Dr. Bienvenido Lumbera. Ayon sa talumpati ni NCCA Chairman Felipe M. De Leon Jr., halos wala nang gaya ni Gerardo De Leon ngayon sa ating mga alagad ng sining, wika niya, kailangang magsilbing inspirasyon ang mga likha at ang buhay ni De Leon para sa mga kabataang nais maging alagad ng sining sa makabagong henerasyon.(michael n. balaguer)

 

 

NRCP-DOST Governing Board Member Nanguna Sa Pagkakaloob ng Commemorative Stamp Sa National Artist

PINANGUNAHAN ng National Research Council of the Philippines- Department of Science and Technology (NRCP-DOST) Governing Board Member for Humanities, Prof. Felipe M. De Leon Jr. ang paglulunsad ng ipinagkaloob na commemorative stamp para sa National Artist for Movies na si Gerardo “gerry” de Leon.

Isang magaling na alagad ng sining ng pinilakang tabing, naging bantog si De Leon nuong 1950’s, kabilang sa kanyang mga obra ay ang mga pelikulang “Sisa” na pinagbibidahan ng beteranang aktres na si Anita Linda, at mga film adaptation ng “Noli Me Tangere at El filibusterismo ni Gat Jose Rizal.

Kabilang sa mga naging bahagi ng nasabing okasyon na ginanap nitong Ika-12 ng Setyembre ay sina Gng. Liberty Ilagan, anak ni Gerardo de Leon, mga artistang sina Robert Arevalo at Barbara Perez, Delia Razon, Maria Isabel Lopez, Marita Zobel, Gloria Sevilla, Luz Valdez at ang National Artist na si Dr. Bienvenido Lumbera.

Ginanap ang programa sa punong tanggapan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at naroon sina NCCA Executive Director Emelita V. Almosara at Dr. Miguel Rapatan kasama ang PhilPost Chairman Cesar Sarino. Sa loob ng isang taon ay gagamitin ang mga stamp na may larawan ni Gerardo de Leon.

Ang sining at agham ay magkaugnay dahil ang tagapangulo ang miyembro ng NRCP-DOST Governing Board for the Humanities na si Prof. Felipe M. De Leon Jr. ay siya ring Tagapangulo ng NCCA. (Mary Jane Olvina-Balaguer)

 

makikita sa lawaran sina Atty. Reginald Tongol, Ms. Daisy Ann Gonzales Cumming, NCCA Executive Director Emelita Almosara at Nemesio R. Miranda na Head ng National Committee on Visual Arts

KAUGNAY ng nalalapit na Ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio, nagdonate ng dalawang paintings na pinag isa ang bantog na Australia-based Pinay Portraitist kung saan ginanap ang unvailing kahapon sa lobby ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros, Manila.

 

 

Kabayanihan ng ating lahi ang mensahe ng obra ni Ms. Daisy Ann Gonzales-Cumming, anak ng primyadong portraitist Felix Gonzales Sr. nang ipakita sa madla ang kanyang likha kung saan makikita ang malaking larawan ng Bonifacio habang nasa background ang mga eksena sa ating pagkakamit ng kalayaan.

Kabilang sa nakibahagi ay ang NCCA Executive Director Emelita V. Almosara, Atty. Reginald A. Tongol, Counselor-at-law, Mr. Nemesio R. Miranda ang Head ng national Committee on Visual Arts. Ang titulo ng obra ay “Pag ibig sa kalayaan”. Ilan sa mga likha ni Cumming ay ipinamahagi niya sa mga nagsidalo upang saksihan ang paglulunsad habang wika niya sa panayam ng www.diaryongtagalog.net ay sa susunod na taon ay muli siyang magdo donate ng obra ukol naman ito sa mga kabayanihan ng isa pa nating bayani na si Gat. Apolinario Mabini. (michael n balaguer)

 

NAKATAKDANG ganapin ngayong Nobyembre ang latin Dance Festival sa Maynila at sa Boracay at mangyayari ito sa numbero unong Businessman’s Hotel sa bansa, ang Eurotel.

European Inspired ang tema ng hotel kaya nababagay ang nasabing mga aktibidad. Gaganapin Ika-21 hanggang 28 ng Nobyembre na magsisimula sa Eurotel Branch sa Makati at itutuloy sa kanilang sangay sa Boracay.

Ang puso ng pagdiriwang ay ang kada gabi na magaganap na mga Dance party kung saan sari-saring latin dance ang sasayawin gaya ng Salsa, Bachata, Meringue, Chacha, Samba, Kizomba at Zouk nadadaluhan ng mga magagaling na latin dancers ng bansa.

Sa walong araw na festival ay magkakaroon ng iba’t-ibang dance lessons sa mga nagnanais na matuto ng nasabing mga latin dances na kadalasan tawag ng marami ay “ballroom dance”.

Kabilang rin sa matutunghayan ay ang 40 plus na mga workshops ukol rin sa latin dance na pangungunahan ng mga international artists, makikibahagi rin ang ilang international DJ’s. bagaman ang ating bansa ay wala sa South America o Europa, malapit sa ating kultura ang latin music at dances dahil sa matagal na impluwensya sa atin ng mga Espanyol. (michael n balaguer)

Kahanga-hangang Epikong Bicolano muling itinanghal sa CCP

ITINANGHAL muli ang kahanga-hangang epikong bicolano na ipinalabas na sa Albay kamakailan kasabay ng isang kapistahan at kamakailan nga ay itinanghal sa sentrong pangkultura ng Pilipinas.

Ang IBALONG the musical ni Rody Vera ay isang interpretasyong musical ng bantog na epikong bicolano na isinagawa sa entablado ng multi awarded playwright na si Rody Vera, layunin nitong makapagbigay inspirasyon at maibalik ang tiwala at pananampalataya ng tao sa kabutihan.

si Artistic Director Nanding Josef

Gamit ang mga mayamang alamat na may kaugnayang sa bahagyang katotohanan na pinaniniwalaan ng mga Bicolano lalo ang mga nakakatanda sa kanayunan. Ipinakita rito ang tradisyunal na labanan ng kabutihan at kasamaan, kadiliman at liwanang na bahagi ng mayamang kultura di lang ng Bicol kundi ng buong Pilipinas.

Maaring ang mga ipinakita ay tingnan bilang superstition o kathang isip ngunit bahagi nito ay maari pa ring mai apply sa buhay, ang mga pagsubok, balakid at tagumpay na ibinahagi ng mga karakter ay tunay na mahalaga pa rin sa makabagong panahon.

Ang kanilang mga representasyon ng halimaw, aswang atbp ay bahagi ng mayamang kultura ng Pinoy na karaniwan ay panakot ngunit nagawa nilang maging isang kaaliw-aliw at nakapagbibigay ng aral.

Ginanap sa tanghalang Aurelio V. Tolentino ng Cultural Center of the Philippines ang nasabing musical play na pinagbidahan ng mangaawit at aktres na si Jenine Desiderio sa pamamahala ng Artistic Director nilang si Nanding Josef. (michael n balaguer)

 si Jenine Desiderio, ang bida sa Ibalong the Musical

 

DER KAUFMANN nakatakdang itanghal ngayong setyembre 27 sa tanghalang pilipino

GINANAP ang paglulunsad para sa mga mamamahayag ng pagtatanghal sa entablado na Der Kaufmann (ang mangangalakal o negosyante sa wikang aleman) na isinulat ni Rody Vera halaw sa bantog na Merchant of Venice ni William Shakespeare sa pagkaliwat sa pilipino ni Rolando Tinio (may titulong “Ang Negosyante ng Venesia”).

 

Dinaluhan ng buong cast kabilang sina Nanding Josef bilang Artistic Director, Rody Vera at Tuxqs Rutaquio at mga aktor at aktres na bumubuo sa tanghalang pilipino. Ang kuwento ng nasabing pagtatanghal ay halaw sa isinulat ni William Shakespeare mga 1596 hanggang 1598, nuon inakalang ito ay isang komedya o nasa klasipikasyong kauri ng huli, dahil sa mga pinagsama samang play, may mga speto rin itong romantiko kaya tila naging tila romantikong-komedya.

 

Naging bantog ang Merchant of Venice (Negosyante ng Venesia sa pilipino) bunsod ng mga madramang eksena at mga talumpati gaya ng “Hath not a jew’s eyes” at ang talumpati ni Portia tungkol sa “kalidad ng awa”.

Ang nilalaman ng play ngayon ay ukol naman sa galit na hudyong  nagpapautang ng pera na nais maghiganti sa isang negosyanteng kristiyano na binalasubas siya sa utang. (mike balaguer)

naglalaman ng masinig na kalinangan ng Pinoy