Alay lakad sa Luneta dinaluhan ng marami

 

 

Representante ng ibat ibang sektor ang muling nagsama sama upang makibahagi sa maituturing na isa sa pinakamahalagang Gawain ng mga non-government organizations na may layuning kalingain ang mga kabataang wala sa paaralan.
Sa quirino grandstand kamakailan nagkita kita ang mga miyembro ng Lions Club, Kiwanis, Jaycees, Rotary samahan pa ng Kapulisan, Militar, Coast Guard at mga representante ng local government unit ng Kamaynilaan na tila ginawa na nilang bahagi ng kanilang curriculum ang pagdalo sa taunang “Alay Lakad”
Ang foundation na nasa likod ng alay lakad na eksklusibong nakapanayam ng www.dzmjonline.net ay naliligayahan sa dahilang marami na muli silang matutulungang out of school youth sa taong ito.
Bukod sa pagdalo ng mga organisasyong nabanggit ay sila rin at iba pa ang nagdo donate sa foundation upang maipagpatuloy nito ang pagsuporta sa mga kabataan at iba pang gawaing sibiko, kaagapay rin ang gobyerno sa mga aktibidad ng alay lakad dahil matatandaang panahon pa ni pangulong Ferdinand Marcos ay nagkakaroon na ng Alay Lakad.///Michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

walk for a cause