Sa ginawang pulong balitaan sa Pandesal forum ng Kamuning Bakery Cafe kasama ang moderator nitong si Wilson Lee- Flores ay naging guest si Secretary Silvestre Bello III ng Department of labor and Employment (DOLE).
Bukas Enero 18 kasama ang Presidente ng LandBank si Alex Buenaventura ay pormal ng bubuksan ang Overseas Filipino Worker (OFW) Bank mula sa pagkaka acquire ng Landbank sa dating Philippine Postal Bank ayon kay Bello.
Matagal ng plano at ngayon lang natupad na magkaroon ng sariling bangko ang mga OFW na mas mababa ang remittance rate. At good news sa mga OFW na ang pagloloan ng 50,000- 300,000 thousand ay walang collateral. At mad mababa ang interate rate kumpara sa mga ibsng bangko.
Sisimulan muna ang operasyon ng OFW Bank sa Manila at susundan ng mga major cities tulad ng Davao, Palawan, Cebu at iba pa.
May mga kasama rin sa board na mga OFW sa land base at minumungkahi g Kalihim na magkaroon fin ng Board mula sa hanay ng Sea fearer kung saan marami rin remittance na pinapasok. Sa kasalukuyan ang Chairman ng OFW Bank ay si President Alex Buenaventura.
Sa darating na Pebrero pupunta si Bello at Buenaventura sa Bahrain, Dubai para sa pagbubukas ng Branch sa labas ng bansa.
Samantalang naibahagi din ni Bello na maglalagay ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa mfa bansang maraming Filipino sa Florida, New Zealand, Osaka, Frankfurt Germany at China kung saan ay wala pang Billateral ang Labor sa China. with photos by Abdul Malik Bin Ismail ( MJ Olvina- Balaguer, 08053611058, maryjaneolvina @gmail.com)
EO kontra kontraktuwalisasyon, ilalabas Maglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na magpapalawig sa pagbabawal ng labor contracting sa mga industriya at kumpanya sa buong bansa, ayon sa anunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Sa isang breakfast forum sa Quezon City, sinabi ni Bello na pipirmahan na ng Pangulo ang EO anumang oras. “Hinihintay lamang namin ang pulong ng labor sector at ng Pangulo anumang araw ngayon hanggang sa susunod na linggo. Sa gaganaping pulong, inaasahang pipirmahan ng Pangulo ang Executive Order na tutugon sa isyu ng kontraktuwalisasyon,” ayon kay Bello sa ginanap na *Pandesal Forum* na pinangunahan ng kolumnistang si Wilson Lee Flores. Dinagdag pa ni Bello na ang EO, na ginawa ng mga labor group, “ay sinang-ayunan ng management group, kaya, maganda ito.” Sa nasabing talakayan, sinabi ni Bello na ang labor department ay target na gawing regular ang nasa 300,000 kontraktuwal na manggagawa ngayong taon. Para maabot ang target na ito, at mapabilis ang pag-regular ng mga manggagawa, sinabi pa niya na “inatasan ko na ang aming Undersecretary para sa Labor Relations na magbaba ng kautusan sa lahat ng regional offices upang makuha sa mga kumpanya sa buong bansa ang listahan ng mga empleyado at mga responsibilidad nila sa trabaho. Dapat ring magsumite sila ng programa nila para sa regularisasyon.” “Sa pamamagitan ng pinaigting na inspeksyon at voluntary regularization ng mga nakikiisang establisimento, umaasa tayong mas maraming manggagawa ang magkakaroon ng regular na trabaho. Ito rin ang nais ni Pangulong Duterte kaya naman patuloy tayo sa kampanyang ito na maitigil ang hindi tamang gawaing ito,” paliwanag pa ni Bello. Sa ngayon, mayroong 541 Labor Laws Compliance Officers (LLCOs) ang nagsasagawa ng assessment at inspeksyon sa nasa 937,554 small, medium at malalaking kumpanya sa buong bansa. Dagdag pa rito ang 55 social partner na kinabibilangan ng 45 labor groups, limang employers’ group, at lima pang ibang organisasyon na sinanay para sa kaalaman sa Labor Laws at Social Legislation. END/aldm/ Paul Ang PLDT inatasang iregular ang 8,000 manggagawa, bayaran ang P66-M benepisyo Naglabas na ng pinal na desisyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) upang iregular ang aabot sa 8,000 kontraktuwal na manggagawa at bayaran ang P66 milyong pisong hindi binayarang mga benepisyo. Hindi pinayagan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang apela ng PLDT na mabaligtad ang naunang inilabas na compliance order ng NCR Regional Office noong nakaraang taon na gawing regular ang mga empleyado nito habang ang mga kontraktor naman ay inatasang magbayad ng P66,348,368.88 na monetary claims ng mga manggagawa. Sinabi ni Bello noong nakaraang linggo na no merit o walang basehan upang baguhin ng DOLE ang naunang desisyon ng NCR regional office nito. Kasabay ng pagtukoy bilang mga kumpanya na sangkot sa labor-only contracting, inatasan ng DOLE ang PLDT na iregular ang mga manggagawa mula sa Activeone Health Inc., Archon Consulting and System Services Inc., BBS-VP-VPN Allied Services Corporation, Consultancy, Outsourcing, Recovery and Equivalent Services (CORES) Inc., El Grande Messengerial Services Inc., Hibizcom Corp., JFM Installation & Telecom Services Inc., at M.D. Tambungui Specialists (MDTS) Inc. Kasama rin sa kautusang ito ang MG Exeo Network, Occupational Dental Health Care and Services, PC Tech, Pointman Placement Specialist, Proserve Multi Resources Specialists Inc., Searchers and Staffers Corporation; SPi CRM Inc., Unison Computer System Inc., at ang Upsight Construction Inc. Liban naman sa pagkakatukoy bilang mga kumpanya na nagsasagawa ng labor-only contracting, ang mga kumpanyang AE Research Exponents Inc., Aremay Enterprise, Best Option Assistance Inc., Centennial Technologies & Marketing Corporation, Comworks Inc., Consolidated Management Resources, Curo Teknika Inc., Diars Assistance Inc., Goodline Staffers and Allied Service Inc., at Implicare International Management Resources Inc., ay inuutusan namang bayaran ang monetary claims ng mga manggagawa na may kabuuang P28,446,139.14. Dagdag pa rito, ang Information Professionals Inc., Iplus Intelligent Network Inc., LBP Service Corporation, Meralco Industrial Engineering Services Corporation, Pro Tek Telecoms Support Inc., Serveflex Inc., Sitetel Marketing, Software Laboratories Inc., Tejo Management Services Inc., Transbio Incorporated, Trends and Technologies Service Maintenance Inc., at We Support Inc. naman ay inutusang magbayad ng monetary claims na nagkakahalaga ng P37,901,866.27. Karamihan sa mga kumpanya na tinukoy bilang mga labor-only contractor ay napatunayang iligal na nagbabawas sa suweldo, hindi nagbibigay o sumusunod sa minimum wage at 13th month law, at tumangging bigyan ng service incentive benefits ang kanilang mga manggagawa na malinaw na nakasaad sa Labor Code. Inatasan sila ng Kagawaran ng Paggawa na tuluyang ihinto ang pagsasagawa ng pangongontrata habang ang kanilang mga registration ay kinansela na. Sa kabilang dako, idineklara naman ng DOLE ang Customer Frontline Solutions Inc., Pro Tek Telecoms Support Inc., SL Temps; St. Clair Security and Investigation Inc., at Trigold Security & Investigation Agency Incorporated bilang mga legitimate contractors. Sila ay agad ring sumunod sa kautusan ng DOLE na bayaran ang mga unpaid monetary claims, suweldo at benepisyo ng kanilang mga empleyado. *#PaulAng*