AIMS AT 30 KASABAY NG PAGBABABAGO NG HENERASYON

Sa ginanap na Pulong Balitaan tungkol sa Ika-30 taon ng Pagkakatatag ng AIMS (Asian Institute of Maritime Studies) na ginanap sa Latitude Deck 11 ng kanilang punong paaralan sa Lungsod ng Pasay nito lang nakaraang Ika 13 ng Pebrero, kanilang pinag usapan ang mga karagdagang pagbabago sa kanilang kurikulum at ang mga plano sa hinaharap ng kanilang iskwelahan sa panahon ng 4th Industrial Revolution gayun din naman ang hinaharap ng sektor Maritima sa bansa at ang patuloy nitong kahalagahan ngayon.

Sa temang umiikot sa “Propelling Excellence Through Accountability” ang nasabing pulong ay nagsimula sa panalangin, sinundan ng pag awit ng ating pambansang awit at ng himno ng AIMS kung saan pagkaraan ay ipinakilala na ng gurong palatuntunan ang mga panauhin, ang mga opisyales at ehekutibo ng AIMS pati na rin ang mga miyembro ng media na nagkober sa nasabing aktibidad katulad ng www.diaryongtagalog.net.

Kasunod ay isang maikling power point presentation mula kay Bb. Ms. Janet Abuid-Dandan ang Vice President for Student Services sa kanyang “AIMS 30 Years AI Presentation” na sinundan ng mensahe mula kay Dr. Felicito P. Dalaguete na siyang Chief Executive Officer ng AIMS at tungkol sa “30 Years of Progress and Vision for the Future”

Si Dr. Arlene Abuid-Paderanga ang President ng AIMS ay nagbigay ng kanyang maikling mensahe sa kumperensiya na patungkol sa anibersaryo ng kanilang paaralan at ang kasunod nito ay ang pagtatanong ng mga mamamahayag sa mga representante ng nasabing paaralan gayundin ang pagpapakuha ng litrato ng mga ito.

Tunay nga na ang pagtatarabaho sa barko o sa sektor maritima ay nakaugnay na sa ating kultura, bukod marahil sa ang ating bansa ay isang kapuluan hindi maiiwasan ng bawat isa na makipagsapalaran sa ating mga karagatan.

Sa kasalukyan, nananatili pa ring pangunahing pinagpipilian ng ating mga mag aaral ang mga kursong may kaugnayan sa pagiging marino, sa mga nais namang magtrabaho sa mga barko, napakaraming pagpipiliang trabaho gaya ng sa kulinarya at sining sa maraming naglalayag na barko dito mansa bansa lalo sa mga nakabase sa ibayong dagat. ///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-