

IKA-31 NG MARSO, 2021-WALA nang masasayang sa mga by-product ng mga industriya ng pagkain, pharma-neutraceuticals atbp na kung dati ay itinatapon lamang dahil itinuturing na basura, sa pamamagitan ng ITDI MMIC ay magkakaroon ang mga ito ng bagong bihis.
Sa ginanap na webcast ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) ng Department of Science and Technology (DOST) kanilang ipinakita kung ano ang maraming posibilidad ang maihahatid sa pag unlad ng industriya ang Modular Multi Industry Innovation Center (MMIC) o ang INNOHUB sa Pinas.
Nitong nakaraang buwan kung saan binuksan sa publiko ang pasilidad na matatagpuan sa punong tanggapan ng kagawaran sa Taguig, mismong sinaksihan ng kalihim ng kagawaran ng agham Secretary Fortunato T. de la Pena ang mga nilikhang food supplement tablets na gawa mula sa mga balat ng kalamansi, toothpaste at mouthwash na mula rin sa nasabing by-product.
Sa ginanap na virtual event na may titulong BACKEND INNOVATION GIVES NEW LIFE TO WASTE (A WEBCAST AT INNOHUB SA PINAS) sa Industrial Technology Development Institute (ITDI) Modular Multi-Industry Innovation Center (MMIC) nitong ika 31 ng marso, 2021ganap na ika 8:30 ng umagahanggang ika 12:00 ng tanghali.
Dinaluhan ng mga opisyales ng kagawaran ng agham ang nasabing aktibidad kabilang sina Dr. Annabelle V. Briones, ang Director ng ITDI na nagkaloob ng kanyang pambungad na pananalitakasunod ang mga mensahe buhat kina Prof. Fortunato T. de la Pena, ang Secretary ng DOST at Dr. Rowena Cristina L. Guevara, ang DOST’s Undersecretary para sa Research and Development .
Engr. Apollo Victor O. Bawagan ang CED OIC Chief at Supervising SRS nagkaloob naman ng MMIC Primer AVP and overview on MMIC services and modes of engagement kasunod sina Supervising SRS Engr Joseph Herrera sa Nut and Seed Oils line at Senior SRS Mr. Oliver C. Evangelista sa Mix Blend Powder line.
At Dr. Norberto G. Ambagan ang FPD Chief sa liquids and emulsions line at ang pangwakas na pananalitamula naman kay Dr. Zorayda V. Ang OIC deputy Director for ATS and PMISD chief.
Sa huli ang nais lamang ng pamahalaan ay makahikayat ng pagtutulungan, sa pribadong sektor, negosyo at mga entreprenyur at akademya sa isang hangaring mai angat ang bansa at makamit ang minimithing industriyalisasyon sa pamamagitan ng ating innovation hub.///Michael Balaguer, konekted@diaryongtagalog.net +639333816694
PANGUNGUNAHAN NG INNOHUB PINAS ANG BACKEND INNOVATIONS NG BANSA


Ika-30 ng Marso, 2021- SA layuning maging bahagi ng minimithing industriyalisasyon ng Pilipinas, pangungunahan ng Industrial Technology Development Institute ng Department of Science and Technology (DOST ITDI) backend innovation sa bansa sa pamamagitan ng webcast @ Innohub sa Pinas
Magsasagawa ang ITDI ng webcast para sa bagong bukas nilang Modular Multi-Industry Innovation Center (MMIC) o InnoHub sa Pinas bukas March 31, 2021. Kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng MMIC nitong 2020 at pasinaya nitong February 2021;
Muli nag aanyaya ang ITDI sa mga industry partners at stakeholders na ibahagi ang kanilang mga insights at expectations tungkol sa pasilidad. InnoHub sa Pinas ay isang industrial processing facility na may multifunctional/multi-application modular unit operation equipment na kayang makapag retrofit at mag accommodate ng ibat-ibang manufacturing lines.
Ito’y ginawa upang mapaglingkuran ang mga pangangailangan sa mga industriya ng food, personal care, at pharma-nutraceutical gamit ang tatlong pangunahing processing lines para sa mga nut/seed at oils, mix blend powders, at liquids/emulsions na pangunahing umaasa sa mga by-products ng mga commercial operations bilang raw material. Sa pamamagitan nito ay nakaka likha ng bagong produkto na gawa buhat sa mga processing wastes sa pamamagitan ng backend innovation.
Samantala, InnoHub sa Pinas ay nakabukas para sa academe at iba pang mga interesadong stakeholders upang magamit sa research and development ng mga bagong produkto, product equivalent, product variances at product reintroduction.
Bilang isa sa big 20 ticketsng DOST para sa 2020, ang pasilidad ay nakatakdang maging isang one-stop-shop para sa product conceptualization, development, at marketing,maging collaboration sa mga significant industry at ibang maaring makagamit nito na maaring maging mahalaga para sa pagtugon ng maaasahang serbisyo.
Inaasahan na ang InnoHub sa Pinas’ ay isang makabagong equipment at devices, mga dalubhasa na mangunguna sa kanilang operation, previous deficiencies na maaring makapigil sa pag unlad ng STI ay mababawasan. Buhat sa detalyeng nagmula kay DDGotis, DOST- ITDI S&T Media Service.///Michael Balaguer, konekted@diaryongtagalog.net, +639262261791