DAAN PATUNGONG WIES 2025 PAGSUSULONG NG PAGNENEGOSYO SA PAMAMAGITAN NG MGA MASJID

INDONESIA-ANG daanan patungong WIES (World Islamic Entrepreneur Summit) 2025 ay ginanap kahapon Ika 7 ng Hulyo 2024 dito sa Padang, Kanlurang Sumatra Grand Mosque na ngayon ay kilala sa pangalang Masjid SyekhAhmad Khatib Al Minangkabawi.

Ang nasabing okasyon ay buhat sa pagtutulungan ng Ministry of Tourism and Creative Economy (Kamenparekraf), pamahalaang panlalawigan ng kanlurang Sumatra at Regional Tourism Board ng West Sumatra (BPPD).

Ang Daanan patungong WIES ay isang pangunang hakbang sa pagtanggap sa WIES 2025 na binabalak ganapin sa kalagitnaan ng 2025 ayon sa Tagapangulo ng Kanlurang Sumatra BPPD Dr. Sari Lenggogeni.

Ang Daanan patungong WIES 2025 ay hudyat sa pasimula ng paghahanda para sa WIES 2025 na mananatili at palagiang gagawin sa Kanlurang Sumatra, ang WIES ay para sa kanlurang Sumatra at ipinagmamalaki ng orang awak o lokal na komunidad ayon kay Sari nuong narito siya miyerkoles ika 7 ng Marso 2024.

Humingi rin siya ng buong suporta ng pamahalaan, mga negosyante, gen-z, creative economy, mga alagad ng sining, MSMEs at mga kinaukulang magiging bahagi ng pagtatagumpay nang pandaigdigang aktibidad na ito.

Inaasahan nilang kahit sino ang mamuno ay patuloy na isama sa adyenda ang WIES at maging kapakipakinabang sa lahat at maging bahagi ng branding ng Kanlurang Sumatra na may mahabang kasaysayan ng kalakalan at turismo.

Layunin din nitong ipakilala ang mga masjid bilang sentro ng kapangyarihang entreprenyuryal at inobasyon at itoy tatalakayin ng limang magagaling na mga tagapagsalita mula sa ibat-ibang bansa. Ang okasyon ay pasisimulan ng Ministry of Tourism and Creative Economy na si Sandiaga Uno na siyang magiging keynote speaker na susundan sa pamamagitan ng talakayan ng limang tagapagsalita kabilang sina: President Director ng MFB & Co. Company na si Prof Mohammad Fida Bahjat mula sa Saudi Arabia;

Deputy Governor ng West Sumatra Audy Joinaldi at ang Program Manager ng Halal Industry Development ng Department of Trade and industry Philippines Aleem Siddiqui Guaipal kasunod ay ang Chief Operating Officer at co-Founder ng Incitement na si Ginoong Zikry Kholl mula sa Malaysia at Wisnu W Efrendi S Pd M.Sc mula sa Islaqla Halal Center Jakarta, magsisilbing guro ng palatuntunan sa nasabing talakayan si M Adia Nugraha Direktor ng Dakwah Center sa kapal Munzalan Mosque.

May ihahatid ring natatanging bilang ang Art Birama Padang Panjang na may temang Ramtau and Syir Islami Minangkabau na isang komposisyon mula kay Susandra Jaya. Ang WIES ay ideyang nagmula sa Ministry of Tourism and Creative Economy sa inagurasyon ng West Sumatra BPPD Abril 2022 kasama ang pamahalaang panlalawigan ng Kanlurang Sumatra. mula sa detayeng buhat kay Aleem Siddiqui Guiapal ng Department of Trade and Industry ng Pilipinas.